Question:

salawikain na may kahulugan?????

by Guest11149501  |  5 years, 1 month(s) ago

3 LIKES UnLike

salawikain na may kahulugan?????

 Tags: kahulugan, Na, salawikain

   Report

10 ANSWERS

  1. Guest22784799

     utot mu man ay mbho.. itoy akng ti2isin wg k lng mglho hehe

  2. Guest22493301

    hohohooho

     

     

     

  3. Guest22478262

     pag may isinuksok may madudukot

     

  4. Guest22242559

    ang patalim ang sadyan matalim huwag mag iiganfa

  5. Guest20535711
    Salawikain: "May tainga ang lupa,may pakpak ang balita" Kahulugan:Mag ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
  6. Guest20147770
    champion ka pala? lately ko lang nalaman.... yun pala grade one ang kalaban!!!
  7. Guest19933410
    kayamanan ang kalusugan *dApata maging malusog para hindi mahawaan ng sakit* ^h3h3h3 j3j3w(O)n P(o)e ako(kaunti lng poe)
  8. Guest19479948
    • Minsan orai bolawan i oran Sa di ta inged na tomo den So tarintik sa tambira inged ami. Paliwanag: Umulan man daw ng ginto sa ibang bansa, walang makahihigit sa ambon sa sariling bayan. Sa salawikaing ito ng Maranaw, ang konsepto ng ganda ay hindi na lamang sa tao, bagkus naisalin sa bansa. Hindi umano maipagpapalit ang materyal na kaginhawahan sa ginhawang matatamo sa bayang sinilangan. Sampu lamang itong salawikain. At maaari ninyong dagdagan, bawasan, o susugan upang mabatid ng lahat kung ano nga ba talaga ang “ganda” sa ating mga Filipino.
  9. Guest17331308
    Ang gawa sa Pagkabata dala,Hanggang sa pagkatanda
  10. Guest16389587
    * Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din ito sa kasalan. * Salawikain: Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit. Kahulugan: Ang taong nagigipit kung minsan ay napipilitang gumawa ng mapangahas na bagay na maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na pangangailangan ng pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng five-six, na nagiging dahilan upang lalu pa siyang mangailangan ng pera. * Salawikain: Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot. Kahulugan: Kung nakakaranas ng kakulangan sa buhay ang isang tao ay dapat siyang mamuhay ng naaayon sa kanyang kakayahan. Matutong magtipid at maging payak sa pamumuhay. * Salawikain: Kung hindi ukol, hindi bubukol. Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa iyo. * Salawikain: Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa. Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap at gawa upang matamo ang mimithing biyaya. * Salawikain: Lahat ng gubat ay may ahas. Kahulugan: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa. * Salawikain: Magkulang ka na sa magulang huwang lamang sa iyong biyenan. Kahulugan: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal o sa mga bagong mag-asawa upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o mapapatawag ang pagkukulang ng sariling anak keysa sa pagkukulang ng ibang tao. * Salawikain: Kung ano ang puno, siya ang bunga. Kahulugan: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang. * Salawikain: Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin. Kahulugan: Kung ano ang ginawa mo sa kapwa ay kadalasang ganun din ang gagawin sa iyo. Halimbawa kung naging matulungin ka sa kapwa ay tutulungan ka rin ng mga taong tinulungan mo.

Question Stats

Latest activity: 3 years, 7 month(s) ago.
This question has been viewed 7366 times and has 10 answers.

3 People are following this question

espesoyssaferdinandechavarriajfveliganio

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions