Question:

paglalarawan sa tao, bagay, lugar, o pangyayari

by Guest20868280  |  3 years, 10 month(s) ago

1 LIKES UnLike

paglalarawan sa tao, bagay, lugar, o pangyayari

 Tags: bagay, Lugar, paglalarawan, pangyayari, sa, Tao

   Report

1 ANSWERS

  1. Guest21209271
    BUHAY NG TAO AY PARANG PANAHON ni Murphy Garcia Ang buhay ng tao ay parang panahon lamang. Kapag umiiyak ang panahon ito ay tag-ulan ang taong ito ay puno ng kalungkutan. Kapag sumikat ang araw ang panahon ay tag-araw ang taong ito ay puno ng sigla at kasiyahan. Kapag ang panahon ay mainit ito ay tag-init ang taong ito ay abalang-abala at maraming ginagawa o may napaka importanteng gagawin. Kapag ang panahon ay malamig ito ay tag-lamig ang buhay ng tao ay puno ng katahimikan o walang sigla at hindi maramdaman ng iba. Kapag ang panahon ay malakas ang hangin na tila ba humahagupit sa mga puno at mga bubong ng mga bahay ang taong ito ay nagyayabang ,nagmamalaki na pag nakita mo ang kilos nya at narinig mo ang sinabi nya para bang may ondoy na dadating sa sobrang kayabangan. Kapag ang langit ay makulimlim ito ay uulan o maaari ding babagyo na may kasamang kulog at kidlat ang taong ito ay puno ng kasukdulan, may katunggalian o masama ang kanyang pakiramdam. Kapag masama ang panahon ang taong ito ay may problema, may kamalasan na nangyayari sa kanyang buhay. Kapag maganda ang panahon ang taong ito ay masaya at walang problema sa kanyang trabaho, kaibigan, kamag-anak at pamilya. Kaya ito ang aking paglalarawan sa buhay ng tao. Sabi nga ni kuya Kim na ang buhay ay weather weather lang.

Question Stats

Latest activity: 3 years, 10 month(s) ago.
This question has been viewed 1226 times and has 1 answers.

1 User is following this question

murphz31

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.