Question:

mga kontribusyon ng kabihasnang sumer

by Guest11538428  |  4 years, 10 month(s) ago

0 LIKES UnLike

mga kontribusyon ng kabihasnang sumer

 Tags: kabihasnang, Kontribusyon, MGA, NG, Sumer

   Report

12 ANSWERS

  1. Guest23956791

     Mga Sumerian

    Ang Sumerian ang pinakaunang mayoryang pangkat na nandayuhan sa Mesopotamia. Nagsimula sila sa mga burol sa silangan. Nakihalubilo sila sa mga orihinal na pangkat ng unang taong nakatira roon hanggang sa nakalinang ng kultura na tinawag na Sumerian. Mayaman ang kultura ng Sumerian. Maraming mananalaysay ang naniniwala rito sapagkat maraming silang mga naimbento na naging kapakipakinabang sa kabihasnan.

    Kasaysayan at Pamahalaan

    Sa simula pa lamang ng kasaysayan ng mga Sumerian, nakapagtayo na sila ng mga lungsod. Bago matapos ang 3000 BCE, naitatag na rito ang malalaking lungsod tulad ng Ur, Erech, Eridu, Nippur, Kish, Larsa, Lagash at Umma.
    Lungsod-estado ang bayan o lungsod at ang mga lupain na kontrolado nito. Naniniwala ang mga Sumerian na ang bawat lungsod-estado ay kontrolado ng isa o maraming diyosa. Sinasabi niya sa mga tao ang nais ng diyos para sa kanila.
    Kadalasan, Hindi nagkakaisa ang mga lungsod-estado dahil sa pagtutunggalian ng mga ito. Madalas na pinag-aawayan ng mga lungsod ang hangganan ng lupain at karapatan sa pagmamay-ari ng tubig o katubigan. Dahil sa madalas na paglalaban at kawalan ng pagkakaisa, nanghina ang mga Sumerian. Kahit na nakaabot na sila sa mataas na antas ng kabihasnan, natalo pa rin sila ng mga taong hindi gaanong sibilisado subalit mahilig makidigma.


    Behistun Rock
    Natuklasan ang mga cuneiform na panulat sa isang nayon sa Behistun. Tinawag itong Behistun Rock. Ayon sa mga mananalaysay, ipinasulat ito ni Darius the Great upang makita ng lahat ang kaparusahan sa mga taong nagrerebelde sa kanya at huwag silang pamarisan. Nakasulat ito sa wika ng Lumang Persiano, Elamite at Babylonian.Ang behistun Rock sa wikang Persiano ay natuklasan ni Pietro della Valle, isang Italyano, at nabasa ng isang Ingles na si henry Creawicke Rawlinson noong 1846.

    Lipunan at Kultura

    - Nahahati sa tatlong pangkat ang lipunan- maharlika na binubuo ng mga pari at opisyal ng pamahalaan; mga mangangalakal at artisano; at magsasaka at alipin.
    - Pinahahalagahan ang edukasyon. Mga asignatura sa paaralan ang pagbasa, kasaysayan, matematika, paggawa ng mapa, linggwistika. Pinag-aaralan din ang batas, medisina, pag-oopera, panghuhula at astrolohiya.
    - Sumasamba sa maraming diyos (tulad nina Anu, ang diyos ng langit at lupa; Enlil, diyos ng hangin at bagyo; Ea, diyos ng tubig at katubigan) na pinaniniwalaang nagkokontrol sa pwersa ng kalikasan.
    - Inaayos ng mga magulang ang pag-aasawa ng mga anak.
    - Mga karapatan ng kababaihang Sumerian- magkaroon ng sariling ari-arian, makipagkalakalan, maging testigo sa mga paglilitis.
    - Cuneiform ang kanilang paraan ng pagsulat na may 600 na pananda. Gumagamit ito ng pictograph na naglalarawan ng mga bagay at gumagamit ng mga pananda sa bawat salita.
    - Nakapagtayo ng maganda at matibay na elementong pang-istraktura tulad ng dome, vault, rampa at ziggurat o templong kadalasang may pitong palapag. Ang pinakatuktok nito ang nagsisilbing altar para sa kanilang diyos.
    - Gumagamit ng mga laryo na gawa sa luwad sa paggawa ng bahay.
    - Unang gumamit ng inhenyeriya, arkitektura at agham.


    Ekonomiya

    - Pagsasaka ang pinakamahalagang hanapbuhay.
    - Matatag din ang industriya ng kalakalan.
    - Gumagawa ng mga kanal at d**e.
    - Nagtatanim ng mga butil, dates at gulay.
    - Nag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka, kambing, tupa at toro.
    - Paggamit ng hayop sa pag-aararo.
    - Paghahabi ng lana at lino bilang kalakal.
    - Paggamit ng unang midyum ng pagpapalitan- buto ng cacao, sinundan ng paggamit ng tanso, pilak at ginto.
    - Unang gumamit ng sistema ng panukat at panimbang.
    - Unang nagtatag ng organisadong pwersang paggawa habang nagtatayo ng mga d**e na naging sanhi ng pag-unlad ng ekonomiya.

    Pag-Unlad

    - Malaki ang naitulong ng maraming imbensyon sa pagtatag at pag-unlad ng ekonomiya.
    - Ang mga pangunahing hanapbuhay tulad ng pagsasaka, kalakalan, at industriya ang napaunlad sa lipunang Sumeria.
    - Ang mga lungsod-estado ay lubos na nakatulong sa pagtatag ng pulitika at ekonomiya.
    - Nakatulong nang malaki ang edukasyon sa kanilang paglago.
    - Ang pag-organisa ng puwersang paggawa sa pagtatayo ng mga d**e at kanal ay nakapagtatag sa lakas-paggawa ng mga Sumerian.
    - Nakatulong sa pag-unlad ng lipunan at ekonomiya ang pagkilala sa karapatan ng kababaihan na magkaroon ng ari-arian at makipagkalakalan.

    Pagbagsak

    - Naging dahilan ng panghihina ng lipunang Sumerian ang madalas na paglalaban at kawalan ng pagkakaisa ng mga lungsod-estado. Madalas na pinagtatalunan ang katubigan at hangganan ng lupain. Kahit nakaabot sila sa mataas na antas ng kabihasnan, nanghina pa rin ang mga Sumerian.


    Ambag sa Kahibasnan ng Daigdig

    - Unang nakaimbento ng gulong at karwahe na hila ng asno.
    - Paggatas ng baka, paghabi ng mga mamahaling lana at lino bilang kalakal.
    - Nakaimbento ng unang paraan ng pagpapalitan- ang paggamit ng cacao bilang pamalit ng kalakal.
    - Nakaimbento ng unang sistema ng panukat ng timbang o haba.
    - Unang lungsod-estado.
    - Paggamit ng prinsipyo ng algebra at ang sistema ng pagbilang na nakabatay sa 60.
    - Kalendaryong lunar na may 12 buwan.
    - Paggamit ng cuneiform at pagsulat sa luwad.
    - Paggamit ng laryo Na yari sa luwad (clay tablet).
    - Dome at vault sa arkitektura at inhenyeriya.
    - Ziggurat (templo para sa mga diyos), rampa, paggawa ng d**e.
    - Pag-oopera
    - Pugon.
    - Fraction at square root.
    - Prinsipyo ng calculator.
    - Unang organisadong pwersang paggawa.
    - Unang gumamit ng hayop (toro) sa pag-aararo.

  2. Guest20417591
    pagsusulat na tintawag na cuneiform..... at ang iba't ibang salik sa pagbuo ng kabihasnan ay ang sumusunod: *teknolohiya *pamahalaan *sining at kultura *relihiyon *edukasyon *sistema ng pagsusulat *espesyalisasyon *uring panlipunan *wika PARING-HARI------>PINUNONG ISPIRITWAL-------> MANGANGALAKAL,ARTISANO,TAGASULAT------>MAGSASAKA------>ALIPIN
  3. Guest19973797
    ang paraan ng kanilang pagsulat na tinatawag nating CUNEIFORM...
  4. Guest14070870
    pagsusulat
  5. Guest12632999
    hindi ko alam eh........
  6. Guest12096155
    Ano ang kabihasnang sumer?
  7. Guest12048253
    unang gulong, 360 degrees na paghahati sa bilog, 60-minute hour na oras, cuneiform, ziggurat, unang lungsod, unang mapa (Nippur map), code of Hammurabi, Hanging gardens... hope that helps!!
  8. Guest11927060
    Ang kabihasnang Sumer ay may malaking kontribusyon sa kabihasnang pandaigdig. Isa sa pinakamahalagang ambag nito ay ang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform.Ito ay naisulat ng mga scribe sa clay tablet na naging dahilan upang magkaroon tayo ng kaalaman patungkol sa sinaunang pamumuhay ng mga sinaunang kabihasnan at upanng maitala ito sa kasaysayan.Dahil sa sistemang cuneiform,naisulat nila ang kanilang mga batas,dasal,kontrata ng negosyo,at maging ang epiko.Sa kanila nagmula ang pinakaunang epiko sa daigdig,ang Epiko ni Gilgamesh.Sa pag-unlad ng kanilang teknolohiya,natuto silang gumamit ng araro at mga kasangkapang de gulong.Sa kanila din nagsimula ang paggamit ng perang pilak.Malaki rin ang kanilang naiambag sa matematika kagaya ng decimal system,ang hugis na bilog na hinati nila sa 360 degrees.At sa kanila din nagmula ang paggamit ng kalendaryong lunar at irigasyon na patuloy pa rin nating ginagamit ngayon.
  9. Guest11873813
    gulong kalendaryong lunar epiko ni gilgamesh
  10. Guest11861595
    lalala
  11. Guest11718339
    ..kaya ko nga tinatanung ai,,,
  12. Guest11625608
    ki

Question Stats

Latest activity: 2 years, 12 month(s) ago.
This question has been viewed 5115 times and has 12 answers.

2 People are following this question

yatcostcatherinegarciajomar65

Similar Questions

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.