Question:

mga idyoma at halimbawa nito.

by Guest12917919  |  4 years, 9 month(s) ago

1 LIKES UnLike

mamangka sa dalawang ilog

 Tags: halimbawa, idyoma, MGA, Nito

   Report

6 ANSWERS

  1. Guest23601804

     1. Anak-dalita - mahirap
    2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang
    3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran
    4. Bungang-tulog - panaginip
    5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal
    6. Mahapdi ang bituka - nagugutom
    7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao
    8. Makapal ang bulsa - maraming pera
    9. Butas ang bulsa - walang pera
    10. Kusang palo - sariling sipag
    11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit
    12. Kidlat sa bilis - napakbilis
    13. di makabasag pinggan - mahinhin
    14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman
    15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho
    16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan
    17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga
    19. naniningalang-pugad - nanliligaw
    20. ningas-kugon -- panandalian, di pang-matagalan
    21. makapal ang mukha - di marunong mahiya
    22. maaliwalas ang mukha - masayahin
    23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado
    24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap
    25. panis ang laway -- taong di-palakibo
    26. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw
    27. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal
    28. putok sa buho -- anak sa labas
    29. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad
    30. pantay ang mga paa -- patay na
    31. nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao
    32. saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho
    33. sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira
    34. samaing palad -- malas na tao
    35. sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi
    36. takaw-tulog -- mahilig matulog
    37. takipsilim -- paglubog ng araw
    38. talusaling -- manipis ang balat
    39. talusira -- madaling magbago
    40. tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit
    41. maputi ang tainga - kuripot
    42. nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan
    43. taingang kawali -- nagbibingi-bingihan
    44. matalas ang ulo - matalino
    45. mahangin ang ulo - mayabang
    46. malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon
    47. mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon
    48. lumaki ang ulo - yumabang
    49. matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos
    50. basag-ulo -- gulo, away
    51. may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa
    52. utak-biya -- bobo, mahina ang ulo
    53. matalas ang utak -- matalino

  2. Guest22474132

    sinulid-tupa

  3. Guest20392584
    puwede po bang mahinge ang mga kahulugan ng idyoma sa tagalog at english,,,,,pls pohhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh
  4. Guest19731994
    palung-palo sa suot
  5. Guest19516694
    walang kamay
  6. Guest16071206
    ang idyoma ay mga kakaibang salita na ginagamit upang makabuo ng bagong salita na may kakaibang kahulugan HALIMBAWA : SAMPID-BAKOD ITAGA-SA-BATO

Question Stats

Latest activity: 3 years, 2 month(s) ago.
This question has been viewed 4098 times and has 6 answers.

2 People are following this question

salutillomannamann14

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions