Question:

mga batas tungkol sa pangangalaga sa ating likas na yaman

by Guest11374601  |  5 years, 2 month(s) ago

4 LIKES UnLike

mga batas tungkol sa pangangalaga sa ating likas na yaman

 Tags: Ating, batas, Likas, MGA, Na, Pangangalaga, sa, tungkol, yaman

   Report

2 ANSWERS

  1. Guest24238298

     1.            DENR ADMINISTRATIVE ORDER No. 39 Series of 1997


    CHEMICAL CONTROL ORDER FOR CYANIDE AND CYANIDE COMPOUNDS

    * Ito ay ipinatupad ng DENR upang mabawasan ang masasamang naidudulot ng di tamang pagtatapon ng basura at pagtatapon ng mga nakalalasong mga kemikal sa katawan ng tao. Batas republika 6969 na tinatawag rin bilang Toxic Substances and Hazardous and Nuclear Wastes Control Act ng 1990. Ang cyanide ay nangangahulugang anuumang kemikal na may halong cyanide ion, CN na makikita sa metallic cyanide at hydrogen cyanide. Ang cyanide at cyanide compounds ay talagang nakalalason sa katawan ng tao at sa ating yamang tubig. Sa mga nakaraang taon ang paggamit ng cyanide sa pangingisda ay tumaas. At ang di tamang paggamit nito o dulot ng kapabayaan ay nagbunga ng mga aksidente at pagkasira n gating kalikasan.

    2. DENR Administrative Order No. 29 Series 1992

    Implementing Rules And Regulations of Republic Act 6969
    * Itong batas na ito ay kilala bilang pagpapatupad ng mahigpit sa batas at regulasyon ng batas Republika 6969. Ito ay batas ng estado upang ma regulate ang pagbabawal na maipuslit o maikalakal ang mga cyanide, maggawa ng mga ito, magbenta, mamigay, gumamit at magtapon ng mga kemikal na may masamang reaksyon sa katawan ng tao o kaya naman ay sa kapaligiran, para mapagbawalan ang pagpasok, pati na rin ang pag alis ng mga kemikal na nakalalason at ang pagtatapon nito sa anumang teritorto ng pilipinas at sa kahit na anong dahilan.
    Ang batas ay sumasakop sa pakikipag kalakal, paggawa, pagpoproseso, paggamit, pagtatago, pag puslit, pagbebenta, at pagtatapon ng lahat ng di nalalamang kemikal sa Pilipinas.


    3. DENR Administrative Order No. 37 Series of 1996

    Revising DENR Administrative Order No. 21, Series of 1992, to further strengthen the implementation of the Environmental Impact Statement System.
    * Ito ay batas ng DENR para maabot ang pantay at balanseng sosyo-ekonomikong paglago at proteksyon sa pamamagitan ng paggamit, pag develop, pag mamanage, pagbabago ng likas na yaman ng ating bansa. Kalakip nito ang proteksyon at paghubog sa magandang kalidad n gating kapaligiran, hindi lang ngayong henerasyon kundi hanggang sa ating kinabukasan.


    4. DENR Administrative Order No. 34 July 14, 1992

    Rules and Regulations to Implement Republic Act No. 7076 Otherwise Known as "Peoples Small Scale Mining Act of 1991".
    Pursuant to Section 26 of Republic Act No. 7076, the following rules and regulations are hereby promulgated for the guidance and compliance of all concerned.
    * Para makapagbigay ng teknikal, pinansyal at marketing assistance at magandang koleksyon ang gobyerno. Ang batas ay binuo batay sa mga layunin na: Para magkaroon ng maayos at sistematikong disposisyon ang maliliit na minahan sa ating bansa. Para ma regulate ang mga maliliit na industriya ng minahan sa mga nakikita at mapasunod para sa kanilang pag-unlad at pagiging produktibo. At dapat ito’y ipatupad upang maipagmalaki, madevelop, protektahan, at balansehen ang mga maliliit na industriya ng minahan upang magkaroon ng maraming hanapbuhay at oportunidad.

    5. DENR Administrative Order No. 96-40 Series of 1996 December 19, 1996

    Revised Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 7942, Otherwise Known as the "Philippine Mining Act of 1995"
    * Lahat ng mineral na resources sa publiko at pribadong lupain sa ekonomikong teritoryo ng pilipinas ay pagmamay ari ng estado. Ito ay responsibilidad ng estado para madevelop, ma utilize at pangalagaan sa pamamagitan ng pinagsanib na pwersa ng publiko at ng pribadong sektor upang mahubog ang paglago n gating bansa sa daan na epektibong mga maayos na pangangalaga sa ating kapaligiran.

    6. DENR Administrative Order No.2000-51 June 21, 2000
    * Ang batas na ito ay nagbibigay ng proteksyon sa ating kapaligiran.

    7. DENR ADMINISTRATIVE ORDER No. 2007

    ESTABLISHING THE MARKING AND IDENTIFICATION SYSTEM FOR THREATENED WILDLIFE SPECIES IN CAPTIVITY AND PROVIDING GUIDELINES THERE OF Pursuant to Republic Act 9147
    * Kilala bilang Pangangalaga at Pagproteksyon sa mga Wild Life resources batas 2001 at ang paghihigpit sa pagpapatupad ng batas upang makapag bigay ng maayos na mapagkakakilanlan sa mga threatened wildlife species

  2. Guest20695089
    ang pag sunod sa batas ng kalikasan ay katumbas ng pagmamahal mo sa sariling bayan at iyong sarili

Question Stats

Latest activity: 3 years, 3 month(s) ago.
This question has been viewed 3035 times and has 2 answers.

Similar Questions

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions