Question:

buod ng "luha ng buwaya" ni: amado v. hernandez (nobela)

by Guest19533789  |  4 years, 2 month(s) ago

17 LIKES UnLike

buod ng "luha ng buwaya" ni: amado v. hernandez (nobela)

 Tags: Amado, buod, buwaya, hernandez, Luha, NG, ni, nobela

   Report

24 ANSWERS

  1. Guest27436699
    1. wala bang ibang buod dyan yung di mqahaba;;;;;;
    2.  

  2. Guest23005313

     Thank you so much for posting your answers here, it really helps me a lot.. :)) *lots of love*

  3. Guest22934623

    nalilito ako. kung ano ang aking gagawin sa aking implikasyon...

     

  4. Guest22918050

     CNU NKAKA ALAM KUNG ANU UNG MGA SETTINGS NG STORY !! ...

  5. Guest22749713

     mga demanding tong mga to mga bobo,mga tamad magbasa,mga walang patutunguhan sa buhay,magtatanong na nga lang magrereklamo pa,mga bobo mga walang alam,mangmang tangatanga

  6. Guest22742373

    ang aarte nyo!!!!

    kayo na nga humihingi ng buod ang dami nyo pang reklamo...mahiya naman kayo..

    para sa mga nag bibigay ng sagot,,pwede po ba make it clear..kasi nakakairita pag may kulang yong mga sagot nyo..thanks!!

  7. Guest22727679

     Ang impatient niyo people. :| Kayo na nga nanghihingo ehh. Wala kayong patutunguan sa buhay niyo, kayong mga demanding. Mga bobo.

  8. Guest22706938

    Ano ang ibig sabihin ng pamagat niyang "LUHA NG BUWAYA"? need ko lang po sa report ko. thank you po.. i need it badly... kindly answer please... thank you...

  9. Guest22594065

    shet ano ba yan?

  10. Guest22588540

    plzzzzzzz...........ano ba ang buod ng ''luha ng buwaya''

  11. Guest22588540

    ano ang buod ng ''luha ng buwaya''

  12. Guest22580710

     kailangan ko ng buod hindi biography WTF!!!

     

  13. Guest20504056
    wala .. maghanap nga kayu !
  14. Guest20079541
    sori di ko alam eh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
  15. Guest20029006
    Buod Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y laging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang may sakit na asawa. Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang union para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasan na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.
  16. Guest20029006
    LUHA NG BUWAYA ni Amado V. Hernandez Isang Introduksyon sa Luha ng Buwaya Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist (sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at kung papaano nakaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas ang kanilang mga problema. Isinulat ni Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bilanguan (sa pagitan ng taong 1951 hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de Manila University Press. Ang aklat ay may limampu’t talong kabanata at 334 na pahina. Tungkol sa Manunulat Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t aktibista para sa mga manggagawa. Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa lamang. Ilan sa mga pahayagan kung saan siya’y naging peryodista ay ang Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay. Ang kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang mga kwento’t tula sa mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung saa’y kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya’y labinsiyam na taong gulang pa lamang noon. Ikinasal si Hernandez kay Honarata “Atang” de la Rama noong 1932. Si Ginang de la Rama ay isa ring Pambasang Alagad ng Sining, sa kategoryang Teatro, Sayaw at Musika. Nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941, sumali si Hernandez sa kilusang guerilla, kung saan siya nagsilbi bilang intelligence officer. Dito’y nakilala niya ang mga miyembro ng Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap. Sinasabi na sa pagtatagpong ito nagkaroon ng simpatya si Hernandez para sa Komunismo o Communism. Matapos ang digmaan ay tinalaga siya ni Pangulong Sergio Osmeña bilang konsehal ng Maynila. Siya rin ay naging pangulo ng dati’y Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang mahalagang gawain ay ang pag-organisa ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez ay dinakip noong taong 1950 sa salang siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo sa Luzon. Sa kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha ng Buwaya. Matapos ng limang taong pagkakakulong ay siya’y hinayaang magbayad ng piyansa, at di kalaunan ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap. Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24 ng Marso, taong 1970. Buod Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y laging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang may sakit na asawa. Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng isang union para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o ‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasan na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya. Mga Tauhan Bandong Cruz – Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- guro ng isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila, kaya’t siya’y kinupkop ng kanyang tiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, at mapagkakatiwalaan kaya’t palagay sa kanya ang mga mahihirap at ordinaryong tao sa Sampilong. Don Severo at Doña Leona Grande – Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang mga trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Jun at Ninet. Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at gahaman. Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya. Dislaw – Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ng mga magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-dalang rebolber nab aril saan man magpunta. Pina – Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at Aling Sabel. May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat di niya ito makuha sa santong dasalan. Andres – Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangan siyang magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon silang apat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala ang tagapagmana ng malaking lupain ni Kabesang Resong, isang mayaman ngunit mabuting kabesa noon. Tasyo – Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mga pang-aabuso sa kanilang mga mahihirap. Pagsusuri sa Luha ng Buwaya Sadyang nakapanghihimok ng damdamin ang kwentong isinasalaysay ng Luha ng Buwaya dahil ito ay tungkol sa masaklap na kalagayan ng mga mahihirap na magsasaka at mga iskwater matapos ang panahon ng pananatili at pagsakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Pinapakita ng nobela ang tunggalian ng mga mapang-abusong mayayaman na nagmamay-ari ng mga malawak na lupain (maaari ring tawagin na mga haciendero) at ng mga inaaping magsasaka at manggagawa na walang magawa sa kanilang kundisyon at kalagayan sa buhay. Ang kwento ng Luha ng Buwaya ay hindi lang basta kathang-isip o gawa-gawa lamang, kundi totoong nangyayari hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Matinding damdamin ang mahihimok mula mambabasa dahil alam nitong totoo ang mga problemang tinatalakay sa kwento at makikita ito sa sitwasyon ng ating lipunan, hindi lamang sa mga panahon ng pagkakasulat at “timeframe” ng kwento kundi pati na rin sa kasalukuyang panahon. Makikita sa nobela ang impluwensya ng pagiging “labor leader” ni Amado V. Hernandez. Tila nagamit niya rin ang kanyang karanasan bilang batikang peryodista upang makasulata ng mga makatotohanang pangyayari. Mapapaisip ang mambabasa ng nobelang ito kung bakit ito pinangalanang “Luha ng Buwaya” ni Hernandez. Ang mabangis na hayop na buwaya ay talagang lumuluha, ngunit hindi dahil sila’y malungkot. Ayon sa isang lumang anekdota, ang buwaya ay lumuluha upang maakit ang kanilang biktima. Isa pang sinasabing dahilan ayon sa mga lumang kwento ay umiiyak ang buwaya para sa mga kaawa-awang biktima na kanilang kinakain. Ang “mga luha ng buwaya” ay mga huwad at mapanlinlang na luha. Para sa kwento ng nobela, mas magagamit nating basehan ang ginagawang panlilinlang ng buwaya upang makaakit ng biktima. Makikita na ang pag-iyak na ito ay mahahalintulad sa huwad at mapagbalat-kayong asal ng mag-asawang Grande, na pala-simba at banal kung umasal ngunit sa totoo’y unti-unting sinasakal at pinahihirapan ang mga mahihirap na nakatira sa kanilang pook para sa katuparan ng sarili nilang interes. Ang dalawang anak ng mga Grande ay sige alng ng sige sa paglustay ng pera na ang mga mahihirap na magsasaka ang naghirap kaya’t matatawag din silang mga buwaya. Bukod sa pagiging mapagbalatkayo at matakaw, ang buwaya ay kilala rin sa pagiging sakim at gahaman -- mga katangian ng mga mapang-abusong may-ari ng lupa. Matapos mabasa ang nobela ay tiyak na maiintindihan ng mambabasa ang pinagmulan ng pamagat nito. Si Amado V. Hernandez ay kilalang sumusuporta sa kilusang Komunismo, at makikita ito sa kanyang nobela. Maraming idelohiya ng kilalang ama ng Komunisma na si Karl Marx ang naging mahahalagang elemento ng Luha ng Buwaya, gaya ng pagtayo ng mga unyon para sa pagkakapantay-pantay at upang mapangalagaan ang interest ng mga magsasaka laban sa maga mayayaman may-ari ng lupang kanilang sinasaka.
  17. Guest19956005
    katamad ang haba buod b yan??
  18. Guest19864305
    kahulugan ng ina muki
  19. Guest19833384
    grabe ang haba ng buod . Pero maganda din naman yung kwento.. anu ba ibig sabihin ng ; * luha ng buwaya ? *namanhikan ? *Insomya ? *kamalig ?
  20. Guest19796260
    ano ang ibig sabihin ng nakailak?
  21. Guest19777384
    ang mga taohan nito
  22. Guest19705306
    dalawang mahahalagang tauhan ng nobela na may magkasalungat na kaisipan/ideya
  23. Guest19704702
    anu ang kahulugan ng pabatares sa pagaspas?
  24. Guest19657398
    Kaakibat na Paghihirap Search for Fillipino Article Google Custom Search Friday, September 26, 2008 Luha Ng Buwaya ni Amado V. Hernandez Kagagaling ni Bandong, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendente sa kabisera ng lalawigan sapagkat tinagubilinan siyang manuparang pansamantalang prinsipal sa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestrong Putin. Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo na pangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong, upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukol sa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan sina Mang Pablo. Sa gapasan, nagin masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si donya Leona Grande, ang may ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit na kasama si donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni donya Leona, si Jun na nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng Parmasya, ang mga kasamang babae at lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at sa pagsisilbi sa mga panauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang eskuwater na nakatira sa pook na tinaguriang Tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula sa Maynila noong panahon ng Hapones sa pagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na may kamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan, si Andres at ang kanyang mag-iina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinapasok nito sa grade one ang anak na sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ng mga eskuwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook. Pumayag si Andres at ang mga eskuwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito. Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni don Severo Grande, ang unyon ng mga magsasaka. Ikinagalit iyon ni donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mga kahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si donya Leona sa mga kahingian ng mga magsasaka at ang mga ito naman at tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samantala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga eskuwater at tinawag nilang Bagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social Welfare Adminitration. Nakailak sila ng pondo mulsa sa mga kanayon at sinimulan nilang itayo ang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni donya Leona. Pagkatapos kausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tanging ebidensya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat din ni donya Leona ang alakalde na pinsan ni don Severo at ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng mag-asawang Grande. Lumaban ang mga eskuwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga eskuwater ay nagsanib at sa tulong ni Bandong, sila ay nakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa siya sa Maynila. Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Inten na pinakamatandang tao sa nayon. Sa Pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Inten na si Andres ay apo sa tuhod ng yumaong mabait na Kabisang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong ang nuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni donya Leona ang mga aring lupa nito. Nagawa ng mga Grande na palitawing ibinenta sa kanila ni Kabisang Resong ang lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalaman niyang maaari pa niyang habulin ang lupa at papagbayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw na karibal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nang dumating ang pasukan, isang bagong prinsipal, si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. Noon sinagot ni Pina si Bandong. Pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina. Mabuti na lamang at dumalaw si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay si Dislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni donya Leona sa Maynila si Dislaw. Isang gabi, lihim na ipinahakot ni donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sa kamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa intsik doon. Isang umaga nagisnan na lamang ng Sampilong na nasusunong ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ng kamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng koopertiba ng mga eskuwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalit kay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ng donya na sumunog sa kamalig, dahil sa hindi siya ang isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw. Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni sedes kay Bandong. Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinugod pa ni Andres ang paghahabol sa hukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakot ng mga grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon na nagpirmi. Sa Maynila , si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at nagging paralisado nang maatake. Si don Severo naman ay nagkasakit ng matinding insomya. Samantala, napawalang saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong at tiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilong sapagkat aalisin doon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata. Namanhikan si Bandong kay Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato sa pagka-alkalde ng kanyang mga kanayon sa susunod na halalan.

Question Stats

Latest activity: 2 years, 2 month(s) ago.
This question has been viewed 14830 times and has 24 answers.

3 People are following this question

sherilynpenafiel023mlvl102006chutejeph

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.