Question:

ano ang varayti at varyasyon ng wika

by Guest19367169  |  4 years, 4 month(s) ago

7 LIKES UnLike

ano ang varayti at varyasyon ng wika

 Tags: ang, ano, NG, varayti, varyasyon, Wika

   Report

3 ANSWERS

  1. Guest21791942

    kalsmate cguro ta no? ugma man sad ako fil 1...

  2. Guest19503865
    > Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyunal na makatutulong sa pagkilala sa isang partikular na varyasyon o varayti ng wika. > Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa bansa.Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. A. permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa Nabibilang dito ay: 1.dayalekto Ang dayalekto ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo ng tagapagsalita sa isa sa tationg dimension: espasyo, panahon at katayuang sosyal. Halimbawa: Tagalog-Bulacan Tagalog-Batangas Tagalog-Laguna 2. Idyolek - Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaugnay ng personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. - Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng partikular na bokabularyo nang madalas. - Ayon pa rin kay Catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na gulang. B. pansamantala dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kasama rito ang register, mode at estilo: 1. Ang register ay varayting kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng pagpapahayag. Halimbawa: sayantipikong register panrelihiyong register pang-akademikong register 2. Ang estilo ay ang varayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaaring formal, kolokyal at intemeyt o personal. 3. Ang mode ay ang varayting kaugnay sa midyurn na ginagamit sa pagpapahayag tulad ng pasalita o pasulat. VARAYTI AT VARYASYON NG WIKA Christian George C. Francisco Kagawaran ng Filipino at Panitikan ccfrancisco@mail.dasma.dlsu.edu.ph Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtatataglay ng iba’t ibang varayti. Batay nga sa kasabihang Ingles, “Variety is the spice of life.” Ibig sabihin, ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa wika ay hindi nagangahulugang negatibo. Maaari itong tingnan bilang isang positibo, isang fenomenong pangwika o magandang pangyayari sa wika. Ayon pa kay Constantino (2002), pagkakaisa at pagkakaiba. Pagkakaisa sa pagkakaiba. Pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Dito ay hayagan niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang ito ay kinasasangkutan ng isang masining na kultura. Dagdag pa niya, “Ang kultura ay hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu/kaluluwa ng mga tao na bumubuo sa lipunan o komunidad.” Dahil sa ang mga tao ang siyang bumubuo sa lipunan at tao rin ang siyang dumidivelop ng kani-kanilang mga kultura, hindi ngayon maiiwasang magkaroon ng pagkakaiba-iba sa paniniwala, gawi, kaalaman pati na rin sa wika. Kung kaya, ayon kay Zosky, mayroong tinatawag na varayti ng wika o sub languages na maaaring iklasipika higit sa isang paraan. Tulad na lamang ng kanyang tinatawag na Idyolek, Dayalek, Sosoyolek, Rejister, Estilo at Moda, Rehiyon, Edukasyon, Midya, Atityud at iba pa. Lahat ng nabanggit ay ilan lamang sa mga kaparaanan ng pagkaklasipika ng wika ayon sa mga gumagamit nito. Sa pag-aaral sa varayti ng wika, mahalagang matutunan rin ang accommodation theory ni Howard Giles. Sa paliwanag ni Constanstino mula kay Giles, may malaking epekto ang pagkatuto ng pangalawang wika sa development ng varayti ng isang wika. Sa teoryang ito pumapaloob ang tinatawag na linggwistik konverjens at linggwistik dayverjens. Ang linggwistik konverjens ay nagangahulugan na ang tao sa kanyang pagnanais na makipag-interak sa iba ay maaaring gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap upang bigyang pakikiisa, pakikilahok, pakikipagpalagayang-loob, pakikisama o kaya ay pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang banda, ang linggwistik dayverjens naman ay nangangahulugang pagiging iba sa gamit ng wika ng isang tao tungo sa pagbuo o pagkilala sa kanyang kaakuhan o aydentiti. Samantala, nadedevelop pa rin ang varayti ng wika sa tinatawag na interferens fenomenon at interlanguage. Tuon naman sa pag-aaral na ito ang pagiging kalahok ng unang wikang sinasalita ng isang tao o lipunan kaugnay sa impluwensiya sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interferens fenomenon ay tumutukoy sa impluwensiya sa bigkas, leksikon, morpolohiya gayundin sa sintaktika sa pagkatuto sa pangalawang wika. Ang interlanguage naman ay tumutukoy sa mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto niya ng pangalawang wika. Dito, nababago niya ang gamit ng grammar ng wika sa pammagitan ng pagdaragdag, pagbabawas, at pagbabago ng mga alituntunin. Ayon pa kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang dimensyon ang varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (diyalekto) at sosyo-ekonomiko (sosyolek). Ang una ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba o kalat-kalat na lokasyon ng mga tagapagsalita ng isang wika. Mula rito ay nadedevelop ang varayating pangwika. Samantala, sa ikalawa, nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang estado ng tao sa lipunan. Kung kaya, mayroong tinatawag na mga wika ng bakla, horse language, elit, masa at iba pa. Sa artikulo naman ni Alonzo batay kay Catford, ang varayti ng wika ay may dalawang malaking uri: permanenteng varayti at pansamantalang varayti. Ang permanenteng varayti ay binubuo ng idyolek at dayalek. Ang idyolek ay ang katangian o gamit ng wika na kaiba o pekulyar sa isang individwal. Ang dayalek naman ay nangangahulugang paggamit ng wika batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Ang paraan ng pagsasalita rito ay bumabatay sa kanyang estado o grupong kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang pansamantalang varayti ay tumutukoy sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Bahagi nito ang mga sumusunod: rejister, moda at estilo. Sa paglaon ng talakay sa papel na ito, ipakikita ang mga paliwanag sa bawat varayti at kung paano ito nakatutulong sa development ng isang wika. Partikular din sa pag-aaral na ito ang maipakita ang iba’t ibang varayti ng wikang Filipino gayundin ang lawak ng gamit nito bilang pambansang wika at bilang tugon na rin sa estandardisasyon at intelektwalisasyon nito. Ang mga sumusunod ang ilan sa mga varayti ng wika mula sa artikulo ni Nilo S. Ocampo sa aklat na Minanga. 1. Istandard na Wika – Ito ay ang paglalarawan kaugnay sa tunog, salita, at pangungusap o anupamang may kaugnayan sa pambansang wika. Ito ay ang varayting maaaring bumuo sa gamit ng wika sa mga pangmalawakang domeyn sa isang lipunan, gaya na lamang ng wika sa edukasyon, pamahalaan, midya at iba pa. 2. Punto/Aksent at Diyalekto – Ang punto may kaugnayan sa paraan ng pagbigkas ng isang tao gamit ang kanyang wika. Dito maaaring madetermina ang kanyang lugar na pinagmulan. 3. Mga Diyalektong Rehiyonal – Ito ay naglalarawan sa mga identipikasyon ng mga konsistent na katangian ng pananalitang matatagpuan sa isang heograpikong lugar. 4. Isogloss at Diyalektong Hanggahan – Ito ay tumutukoy sa linyang kumakatawan sa pagitan ng mga lugar tungkol sa isang partikular na linggwistikong aytem. Samantala, ang diyalektong hanggahan naman ay tumutukoy sa kaibahan ng pananalita sa iba’t ibang lugar kung saan makikita ang pagkakaiba-iba ang gamit ng mga salita. 5. Ang Katuluyang Kontinuumna Pandiyalekto – Kung ang isogloss ay malaking tulong sa pagddedetermina ng gamit ng wika sa mga magkakatabing lugar, hindi pa rin kadalasang nagiging ispesifiko ang resulta ng mga pag-aaral pangwika. Kung kaya, sa pamamagitan ng kontinuum, makikita ang eksaktong katuluyan ng gamit ng wika sa magkakatabing lipunan. 6. Bilinggwalismo – Ang pagiging bilinggwal ng isang tao ay ang simpleng resulta lamang ng pagkakaroon ng dalawang magulang na magkaiba ang wika. Mula ditto ay maaaring madevelop ang panibagong varayting pangwika. 7. Pagpaplanong pangwika – Bumatay na lamang sa unang handawt na ipinamahagi para sa mas komprehensibong talakay sa tapik na ito bilang varyasyon ng wika. 8. Mga Pidgin at Creole – Ito ay isang varayti ng isang wika na napaunlad sa kadahilanang praktikal, tulad ng mga pangangalakal, sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa. Ang pidgin din ay produkto ng dalawang magkaibang wika na sinasalita ng dalawang magkaibang tao hanggang sa sila ay makabuo ng sariling wika. Sa katunayan, ang wikang pidgin ay produkto ng ising wika na kung tawagin ay leksifayer. Sa kabilang banda, nagiging creole naman ang isang wika kung ang pidgin ay nasimulan nang matutunan ng isang bata at magamit hanggang sa kanyang pagtanda. Restrikted ang creole kaysa pidgin dahil may mga sinusunod na ritong alituntuning panggramatiko. 9. Wika, Lipunan at Kultura – Ipinapaliwanag dito na hindi porke may parehong kinalakhang lipunan ang dalawang tao ay parehong-pareho na rin sila ng gamit ng wika. Samakatwid, nagkakaroon pa rin ng pagkakaiba-iba ang gamit ng wika batay sa pansarili niyang kultura at mula rito ay nadedevelop ang posibleng varayting pangwika. 10. Mga Panlipunang Diyalekto – Sinusukat naman ang varayti ng wika batay sa panlipunang diyalekto sa pamamagitan ng uri, edukasyon, trabaho, edad, kasarian at iba pang panlipunang sukatan. 11. Edukasyon, Okupasyon, Uring Panlipunan – Tumutukoy naman ito sa sosyal na aspekto ng isang ispiker ng wika batay sa paraan ng kanyang eudukasyong nakamit at trabaho o propesyong kinabibilangan. Papasok rin dito ang usaping langauge register. 12. Edad at Kasarian – Nakadaragdag kulay rin ang edad at kasarian sa pagpapalawak ng varayti ng isang wika. Sa puntong ito, ipinaliliwanag na kahit na maraming tao ang kabilang sa isang pangkat panlipunan, nag-iiba pa rin ang gamit ng mga salita batay sa edad ng tao at kasarian. Halimbawa na lamang nito ang pagkakaiba ng gamit ng salita ng mga bata kompara sa mga matatanda. Samantala, may mga pag-aaral naman na nagsasabi na ang lalaki ay mas malaya ang paraan ng paggamit ng wika, samantala ang mga babae naman ay mas reserve sa gamit wika o may kapinuhan. 13. Etnikong Bakgrawnd - Sa pagpapaunlad ngvarayti ng wika, maaaring maging malaki ang kontribusyon halimbawa na lamang ng mga bagong lipat na tao sa isang lugar. Dahil sa pagkakaroon ng magkaibang etnikong bakgrawnd, nagkakaroon din ng paglalahok o pagsasama ng magkaibang wika. 14. Idyolek – Nakatutulong din naman ang idyolek sa pagpapalaganap ng iba’t ibang varayti ng wika. Nadedevelop kasi rito ang gamit ng wika ng isang individwal na tanging yunik o pekulyar sa kanya. 15. Rejister – Ang rehistro ng wika ay napakalaki ng maaaring maging kontribusyon kaugnay pa rin sa varayti ng wika. Ang rejister ay tumutukoy sa iba’t ibang domeyn ng wika na malawakang nagagamit sa iba’t ibang larangan gaya ng edukasyon, midya at marami pang iba. 16. Tenor – Tumutukoy naman ito sa pormalidad at kaimpormalan sa gamit ng salita. Halimbawa, iba ang paraan ng pagtawag ng isang ina sa kanyang anak sa tuwing may iuutos ang ina. Samantala, sa kaparehong sitwasyon, iba ang tenor o paraan ng pagtawag ng isang titser sa kanyang estudyante na kapwa nag-uutos din. 17. Larangan – Tinatalakay rito ang mga espesyalisadong mga salita na nagagamit sa iba’t ibang larangan. Bukod sa varayti, maaari rin na maging dukal ito ng inaasam na intelektwalisasyon ng isang wika. 18. Paraan – Ang paraan o moda ay tumutukoy sa pagiging sensitibo o pagpapahalaga sa mismong gamit ng komunikasyon. Halimbawa, mas katanggap-tanggap pa rin bilang pormal na pagdodokumento ay ang pasulat na paraan kaysa pasalita. Nangangahulugan lamang na ang modang pasulat ay may mas mataas na pagtingin. 19. Katangian ng Pananalitang Espontanyo – Bahagi ito ng pagtuklas sa mga varayting pangwika dahil ang pagsasalitang espontanyo ay maaari ring makapag-ambag sa varayti ng wika gamit ang mga tinatawag na verbal filler o verbal static ayon na rin kay Guffey. 20. Diglossia – Ginagamit ang salitang ito para ilarawan ang isang sitwasyong may dalawang may napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang kominidad ng pagsasalita na ang bawat isa may parehong katungkulang panlipunan. 21. Determinismong linggwistiko – Sistema ito ng pagkakategorya na kung ano ang nakikita ninyo, at kung gayon, mahihila kang tingnan ang isang bagay sa paraan kung paano mo ito nakita. Ito rin ay ang pinakamasidhing versyon ng pagtatakda ng wika sa pag-iisip. 22. Ang Haypotesis na Sapir – Whorf – Ito ay ang pagtanaw sa isang bagay gamit ang wika. Proponent ng teoryang ito ay sina Edward Sapir at Benjamin Whorf. Ang mga nabanggit at nailahad sa itaas ay ang mga batayan o mga pamamaraan kung paano nadedevelop ang mga varayting pangwika sa isang wika. Mula sa mga ito makikita na bawat isa ay maaaring makapag-ambag ng malaking kontribusyon tungo sa pagpapayaman ng wika at maaaring tingnan bilang varayti. Inaasahan rin na bawat isa ay malawak ang maibibigay tungo sa pagpapalawak ng wikang Filipino.
  3. Guest19450276
    hangal kayo uto2x sa teacher hahahha"""""""""

Question Stats

Latest activity: 3 years, 11 month(s) ago.
This question has been viewed 5599 times and has 3 answers.

3 People are following this question

gieboy3elimarjyv3tt3f3rn4nd3z

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.