Question:

Siyentipikong Teorya na Pinagmulan ng Daigdig, Sa Biblia, Alamat

by Guest19341305  |  4 years, 2 month(s) ago

4 LIKES UnLike

The title says it all.

Advance Thanks!

Cheers! :>

 Tags: alamat, biblia, daigdig, Na, NG, pinagmulan, sa, siyentipikong, teorya

   Report

6 ANSWERS

  1. Guest27356051

     ano yan parang tanga lang ...

  2. Guest20648146
    PINAGMULAN NG DAIGDIG AYON SA BIBLIYA Origin Belief · Mga paniniwala at salaysay ukol sa pinagmulan ng kalawakan, ng ating daigdig, ng buhay at maging ng sangkatauhan ayon sa relihyon. · Maliban sa relihiyon, maari rin mangaling ang mga paliwanag sa pinagmulan sa mga pagsusuri ng siyentipiko at mga pagmumunimuning metapisikal Creationism · isang sistema ng paniniwala na ang lahat ng mga bagay at materyak sa kalawakan ay nilikha ng isang diyos o ng isa o higit pang makapangyarihan at matalinong nilalang mula sa kalawakan · pamamaraang kahima-himala (supernatural), makadiyos (theistic), o maalamat (mythological) · Genesis (Jew), o sa Qur'an (Muslim) Ayon sa Bibliya · nilikha ng Diyos na si Yahweh ang mundo sa loob ng 6 na magkakasunod na araw 1000 taon na ang nakalilipas Unang Araw: Liwanag Ikalawang Araw: Langit at Lupa Ikatlong Araw: Bagay sa Kalawakan, butuin, buwan, atbp Ikaapat na Araw: Mga Halaman at Puno Ikalimang Araw: Mga Hayop Ikaanim na Araw: Tao AYON SA AGHAM MGA TEORYA TUNGKOL SA PINAGMULAN NG DAIGDIG Ang Nebular Theory · Immanuel Kant (1755) at Pierre-Simon Laplace (1796) a. isang napakalaking ulap ng mga gas sa kalawakan b. patuloy na umiikot dahil sa gravity c. nagsama-sama ang mga gas at dust para maging planeta · Nebula (ulap) - Solar System kasama ang Earth · Gas + Dust · nagpapaikot-ikot ang nebula · bumagal at lumamig Planetisimal Theory · Planetisimal - asteroid sa pagitan ng Mars at Jupiter · Thomas Chamberlain at Forest Maulton, binago ni Harold Jeffreys 1. nagbanggaan ang dalawang malaking bituin 2. ang mga tipak ay tumilansik at nagpaikot-ikot sa kalawakan (mga gas) 3. tumigas , nabuo at naging planeta (condensation) Big Bang Theory · Georges Lemaitre at Carl Wilhelm Wirtz · pinagmulan ng kalawakan (universe) 1. isang napakasiksik at napakainit na kalagayan (14 B years ago) 2. lahat ng galaxy - nakapatong sa isang punto 3. sumabog ang punto - kumalat at lumayo · Expanding Universe - Edwin Hubble
  3. Guest20599020
    bat ganyan walang answer..
  4. Guest19891191
    wew
  5. Guest19474972
    yang ina nio ibigay nio sagot......
  6. Guest19377988
    Teoryang Nebular - Si Emmanuel Kant, isang pilosoper na Aleman ang nagpanukala noong hinggil sa pinagmulan ng daigdig. Ayon kay Kant, ang daigdig, pati na ang ibang nebula, ay nagtataglay ng gas. Sa simula, ito ay malamig, ngunit sa katagalan, ang mga partikulo sa loob ng nebula ay nag-uumpugan dahil sa puwersa ng grabidad na siya naming nagtulak sa mga ito upang umikot. Habang umiigting ang masa, ito’y uminit ng uminit, hanggang sa ito’y naging bolang araw na naghahasik ng mga bolang gas na natanggal, dahil sa lakas ng “centrifugal” hanggang ang mga ito ay lumamig at naging planeta. Ito ay tinawag na “Nebular Hypothesis”. - Ang teorya ni Kant ay sinang-ayunan ni Pierre Simon Marquis de Laplace, isang sayantist na Pranses noong 1796. Teoryang Planetisimal - Isa pang paniniwala ang Teoryang Planetisimal nina Prop. Thomas Chamberlain at Forest Moulton na binago ni Harold Jeffreys. Batay sa teorya, ang sistemang solar ay mula sa isang malaking bituin na sumabog nang mapalapit ito sa isa pang bituin. Ang isang kimpal na sumabog na bituin ay naging araw, samantalang ang ibang kimpal ay naging pamilya ng planeta ang bawat isa. Teoryang Big Bang - Ang pinaka popular na teorya ngayon ay ang Teoryang Big Bang. Ayon sa teoryang ito, ang sandaigdigan ay nabuo matapos ang malakas na pagsabog (kaya ito ay tinawag na Big Bang). Ang pagsabog na ito ay tinatayang naganap mga 20 bilyong taon na ang nakalilipas at lumikha ng malaking bola ng apoy. Nang magtagal, ang higanteng bola ng apoy na ito ay nagkadurug-durog, naging mga bituin, planeta, araw, buwan, at iba pa. - May dalawang aspekto ang Teoryang Big Bang. Ayon sa isa, simula ng maganap ang malaking pagsabog, patuloy na lumalayo ang mga piraso ng bolang apoy sa isa’t isa kaya’t patuloy ring lumalawak ang nasasakupang espasyo ng sandaigdigan. Ayon naman sa ikalawa, ang patuloy na paggalaw ng mga bituin, gas, at iba pang sangkap ng sandaigdigan ay maaaring tumigil sa paglayo sa isa’t isa at sa halip ay puwedeng bumalik, magsalubong, at magbanggaan. Kapag nangyari ito, anila, ang simula at wakas ng sandaigdigan ay parehong magsisimula sa isang malakas na pagsabog. Teoryang Kondensasyon - Ang Teoryang Kondensasyon ni Robert Jostrow, ang isang araw o bituin ay nagsimula sa pamumuno ng mga masa ng hydrogen, gas, at ng atomic dust. Sa kalawakan na tumatanda, sumasambulat at nagsasabog ng mga pira-pirasong masa at sumasama sa mga bagong namumuong mga araw tulad ng mga planeta at bituin. Ang pangyayari ay paulit-ulit at walang katapusan. Teoryang Dynamic Encounter - Si George Buffon ay isang naturalista na nagsasabing ang daigdig ay nagsimula sa mga natunaw na sangkap na lumayo sa araw, pagkatapos ng pakikipagsagupaan sa isang Kometa. At ito’y kanyang tinawag na “Dynamic Encounter”. source:

Question Stats

Latest activity: 2 years, 2 month(s) ago.
This question has been viewed 4506 times and has 6 answers.

2 People are following this question

maykelbryan29charlesmichael

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.