Mga Pangyayaring Nagpasimula ng Labanan sa MactanAng unang paglalayag ng mga Kastila sa Pilipinas ay pinamunuan ng isang manlalayag na Portuges na si Fernao de Magalhaes (Pangalang Portuges) o Hernando Magallanes (Pangalang Kastila) o Ferdinand Magellan (na higit nating kilalang mananakop sa mga aklat ng kasaysayan ng Pilipinas) ay dumating sa gitnang bahagi ng Kabisayaan at kumuha ng mga ari-arian, sa pangalan ni Haring Carlos I ng Espanya sa Samar, Leyte at Cebu na pinagsama sa iisang pangalang \"Isla ni San Lazaro.\"
Dala ang bandila ng Espanya, si Magellan ay pinarangalan ng mga Kanluraning mananalaysay para sa kanyang \"pagkakatuklas\" ng mga grupo ng isla na ng magtagal ay pinangalanang Pilipinas, bilang pagpaparangal sa Hari ng Espanyang si Felipe II. Subalit, ang mga islang ito ay di na nararapat pag tuklasin. Ito ay matagal nang kilala ng mga tao sa Timog-Silangang Asya libong taon na ang nakalipas. Ang mga Arabo, Hindu at mangangalakal sa Tsino, at ang mga Portuges na rin ay dumating sa islang ito na mas nauna pa kay Magellan.
Sa gayon, hindi talaga si Magellan ang \"nakatuklas\" ng mga isla ng Pilipinas. Subalit, siya ang nakatuklas ng ruta upang makapaglayag sa buong mundo sa pamamagitan ng pagdaan sa Kanluran ng Atlantiko, paibaba ng Amerika at patawid sa Pasipika upang makarating sa Silangan. Ang tunay na natuklasan ni Magellan ay ang \"daang patungong India\" na nabigong makita ni Columbus. Pinaniniwalaan ni Columbus na ang Amerikang kanyang natagpuan ay ang Indies (India).
Ang mga tao sa mga islang nilakbay ni Magellan ay wala pang konsepto ng isang nasyon o bansa. Subalit, mayroon na silang pang-unawa sa konsepto ng balangay (pamayanan) at kung paano nila protektahan at itaguyod ang kanilang kapakanan at ipaglaban ang kanilang interes laban sa iba pang mga interes. Ito ay nagpapahiwatig ng magkatuwang na proteksyon at benepisyo ng islang pinaglalaban nina Lapu-Lapu at kanyang mga tauhan laban sa mga Kastilang mananakop.
Ang mga kasapi ng pamayanan ni Lapu-Lapu sa Mactan ay nabubuklod ng matinding damdamin ng katapatan at pinag-isang wika, batas, seremonya, relihiyon, at mga trandisyunal na ugali. nang magbanta ang panganib, sila'y humarap nang matatag. Nagtulung-tulong sila upang makipaglaban sa pagtatanggol sa kanilang bayan at pamumuhay na malaya.
Ang mga Kanluranin ay tumutukoy sa Silangang mga pamayanan bilang tribo o tribolismo, nang sa huli'y umunlad patungo sa Nasyonalismo, nang magkakahiwalay na tribo ay magkaisa sa iisang malaking grupo o bansa matapos mapagtantong ang kabutihang dulot ng pagkakaisang pulitikal at ang magulong mga pangyayari sa pagkakawatak-watak at mga tunggalian. Ang nasyonalismong Pilipino ay nagmula sa mga maliliit na pamayanang tinatawag na balangay o barangay. Gayon din ang nasyonalismo ng mamamayang Bangsa Moro. Sa pagdating ng mga Kasila noong Ika-16 na siglo, ang kapuluang ito ay pinananahan ng pamayanang Malay gaya ng pinamunuan ni Lapu-Lapu, bawat isa ay pinamumunuan ng isang datu o raha na namamahala ng batas at kanilang mga gawain. Mapaghangad sila sa kalayaan at nakahandang magbuwis ng buhay upang ipaglaban ito kung kinakailangan.
Sa simula ng kanyang pagpunta sa mga isla, si Magellan ay sumuway na sa lokal na batas at tradisyon. Nagkamali rin siya sa pagsangkot sa internal o panloob na kontradiksyon sa pamamagitan ng pagpanig nito sa pangunahing kaaway ni Lapu-Lapu, si Humabon ng Isla ng Cebu.
Humingi ng buwis si Magellan kay Lapu-Lapu subalit, tumanggi ang huli at nagsabing si Magellan ang dapat magbayad nito. Hiningi rin ni Magellan kay Lapu-Lapu na isailalim ang sarili kay Humabon, ang kanyang pangunahing kaaway.
Di gaya ni Humabon, si Lapu-Lapu ay may tapang ng loob na tumanggi sa mga kagustuhan ni Magellan na kilalanin ang kapangyarihan ng Espanya, tanggapin ang Kristiyanismo at iwanan ang sariling kinagisnang katutubong relihiyon. Hindi niya pinaniniwalaan ang mga pangako ng mga mananakop at kanyang napagtanto ang panganib ng pagtanggap ng iniluluhog na pakikpagkaibigan at proteksyon sa kalayaan at pamumuhay ng mga tao.
Si Lapu-Lapu ay isang maalalahanin at isang taong puno ng pangarap. Hindi man lamang siya nasilaw sa mga bago at kaakit-akit na bagay na dala ng mga Yuropeo gayundi sa kanilang makikintab na baluti at mga sandata.
Nagulat si Magellan sa 'di-pagsunod ni Lapu-Lapu, ang pinuno ng maliit na isla. Inaasahan niyang magiging masunurin din ito gaya ng Raha ng Cebu, si Humabon na pumayag pang pabautismuhan (baptize) ang sarili, ang mga asawa't anak, pati na rin ang mga tagasunod nito. Sila rin ay nangako ng katapatan sa malayo't di-kilalang hari ng Espanya at maghandog pati ng regalo para rito.
Batid ang paghamon ni Lapu-Lapu. inutusan ni Magellan ang sangay ng mga mandaragat sa ilalim ng pamumuno ni Konstable Gonzalo Gomez de Espinosa na magtungo sa Mactan. Sa pagdating nila sa nayon, ang ikinilos nila ay parang hayop. Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan, ninakawan ang bayan at bago umalis ay sinunog ang lahat ng mga madaanang tahanan.
Matapos ang malupit na kaparusahan, nagdemanda si Lapu-Lapu kay Magellan ng sapilitang buwis na binubuo ng may tiyak na bilang ng mga baboy, kambing, manok, buko at malaking bulto ng bigas. Si Lapu-apu, sa katunaya'y nag-alok lamang ng 2/3 na bayad ng kabuuang bilang na hinihingi. Tinganggihan ni Magellan ang kanyang (Lapu-Lapu) alok.
Si Magellan ay nag-anunsyo sa kanyang mga tauhan ukol sa pamumuno nito sa isang ekspedisyon upang parusahan at bigyang leksyon si Lapu-Lapu. Nagtaka ang lahat nang marinig ito. Ang lahat ng nasasakupan ni Kapitan Juan Serrano, maging ang kanyang pinsan ay tumanggi sa kanyang pasya. Mahigpit nilang sinabi na labag sa kolonyal na patakaran ng Espanya ang makialam sa lokal na pulitika at pinaalala rin nila kay Magellan na ang mismong iniatang sa kanila ng hari ay ang makita ang daang pakanluran sa Spice Island o ang Molukas at magdala ng panrekado sa Espanya; at hindi upang manakop at baguhin ang mga pagano tungo sa Kristiyanismo. Pinakiusapan nila si Magellan na lumayo't iwan na lamang ang Cebu at magtungo sa Ternate.
Matigas ang ulo ni Magellan. Paulit-ulit niyang pinagpasiyahang parusahan si lapu-Lapu at mamuno ng isang paglalakbay laban dito. Sa bandang huli, kinuha ng kanyang mga tauhan ang kanyang atensyon upang alamin ang utos ng hari, na ang Kapitan Heneral o Kumander ay kinakailangang maiwan kasama ang mga hukbong pandagat at hindi itaya ang buhay sa mga lupain. Nag-isip si Magellan pagkarinig nito at animo'y nakumbinsi; ngunit nang marinig niya ang isang tao -- na marahil ay si Sebastian del Cano na nagsasabing sa kanyang edad, ang isang lalaki ay 'di na dapat sumali sa mga labanang kamay sa kamay, na nagpapahiwatig na siya'y matanda na at laos na. Labis na nag-alala si Magellan. Dito nasaktan ang kanyang amour propre.
Muling nanawagan si Magellan ng may pagtatapos ang kanyang gagawing plano at hindi niya pipilitin ang sinuman sa kanila na makilahok sa binabalak na ekspedisyon laban kay Lapu-Lapu. Isasama lamang daw niya ang mga nais magboluntaryo, dagdag pa rito ang krus ni Kristo at ang tulong ng kanyang Patron, ang Birhen ng Tagumpay. Ayon sa kanya, siya ay magtatagumpay sa labanan bilang sundalo ni Kristo.
Ang mga tauhan ni Magellan ay nangagsipagtaka. Inakala nilang nawawala sa katinuan ang kanilang Kapitan Heneral. O kaya'y, nakulam na. Hindi na siya kinakitaan ng interes na magkarga ng mahahalagang gamit sa kanyang sasakyang pandagat. Ngayon, mas naging mahalaga sa kanya ang pagliligtas ng mga kaluluwa.
Ang Raha ng Cebu na si Humabon, na may sama ng loob sa pinuno ng Mactan, ay nag-alok kay Magellan na manatili na lamang si Humabon na nakamasid sa malayo upang makita kung paano lumaban ang mga Kastila.
Sa Ilalim ng Kapangyarihan ng Kastila
Mga unang expedisyon ng Espanya
Fernando de Magallanes na nakarating sa Pilipinas noong 1521.
Estatwa ni Lapu-Lapu na nakatayo sa lugar kung saan napatay daw si Magallanes noong 1521.
Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na pinamunuan ng Portuges na si Fernando de Magallanes noong Marso 16, 1521. Pumalaot si Magallanes sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San Lazaro.
Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang \"magkapatid sa dugo\", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi pa ni Magellan na maging Kristiyano.[3] Nagawa niya itong gawin kay Humabon ng Cebu dahil sa Kristiyanismo, ginagalang ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang nag-enganyo sa konbersyon dahil noong panahong iyon ay hindi iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribu. Ang mga kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Nagwagi si Magallanes laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na nagpapahalaga sa dignidad ng tao.
Ngunit, napatay si Magallanes ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya. Hinamon ni Magallanes si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo. May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magallanes laban kay Lapu-Lapu. 1) Hindi siya nagpadala ng tauhan upang suriin ang lugar, 2) binalaan niya ang kalaban na siya aatake at 3) pumayag siyang mas maraming tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.
Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong 1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at pinagalang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong arkipelago.
Kolonya ng Espanya
Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nng makarating ang ekspedisyon na pinmunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.[4] Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang kabisera sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon. Naging sentro ng pamahalaang kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar ghjgyundfnyun Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at ilang mahadghunhalagang metal mula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya. Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili sa Europa.
Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang kalayaan.
Ang pananakop sa kapuluaan ay nagtagumpay nang walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim). Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot sa pag-atake ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19 siglo.
Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga establishimentong pang-relihiyon.[5] Isa sa mga naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon, maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.
Watawat ng Nueva Espanya
Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at mga tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera at ang mga Mangyan ng Mindoro.
Ang mga Kastila ay nagtayo ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na principalia, na naging mayaman, mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang oligarkiya sa lokal na pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa mga kasapi ng principalia.
Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim. Ang kita ng pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon
gaframe = true;