Question:

Mga halimbawa ng pabula?

by Guest7719  |  earlier

5 LIKES UnLike

Halimbawa ng mga pabula? Bigyan mo ako ng isang madaling halimbawa ng isang pabula. Ang ibig sabihin ng isang kuwento?

 Tags: halimbawa, MGA, NG, pabula

   Report

30 ANSWERS

  1. Guest28145340

     loko na man kayo eh.....................................................................................................................................................

     

     

     

     

     

     

     

     

  2. Guest28082182

    pangittttttttttttttttttttttttttttttttttttt

  3. Guest23941082

     kaylan kaya maglalagay ng ang manok,pagong at ang suso ? sHHHHHHHHHHHh..

  4. Guest23125286

    Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam. “Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam. Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa, kung kayat hindi nila napansing ang Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila. “Nakakapagod naman ang paghahakot ng pagkain, matagal pa naman ang tag-ulan ay naghahanda na kami,”sabi sa sarili ng Bunsong Langgam. “Buti pa’y maghanap ako ng mas masarap na pagkain.” Walang anu-ano’y nakakita ng isang kendi na malapit na malapit sa kanal na ipinagbabawal na puntahan ng kanyang ama. “Siguro naman ay hindi ako mahuhulog sa kanal kung dahan-dahan kong kukunin ang kendi.” Sa kasabikan niyang makuha ang kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa, kaya nawalan siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal. Hind mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang Bunsong anak sa pila. Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin, hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong anak. Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na: “Iyan ang napapala ng mga anak na matigas ang ulo.”

  5. Guest23055807

    gffghb bvgdc dfygugb jugyftkioof esoi9

  6. Guest22778048

     ang pabulang ang langgam at ang tipaklong

     

  7. Guest22721091

     saang lugar galing ang pabulang ang palaka at ang alakdan????? urgent.....

  8. Guest22696853

    Ang Lobo at Ang Kambing

    sang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan.

    Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo.

    Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing.

    "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon."

    "Papaano?"

    Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing.

    Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko."

    Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

     

  9. Guest22685749

    anu b yan ang konti ng pabula

     

  10. Guest22583957

    nu byan kontilng ang pabula

    paulit-ulit pa

  11. Guest22468679

    http://www.topfashion-girl.com
    accept paypal!free shipping!
    j0rdan sh0es........ 28 dollar
    c0ach p-u-r-s-e...... 25 dollar
    c00gi cl0thes........ 20 dollar
    U.G.G B00ts.......... 39 dollar
    Dear Friend:
    We can supply all kind jersey with good quality and low price. contact me, let's talk details.
    Delivery time: 5-6days, Shipping Method: EMS
    Newest stock list: every 3-5days updated
    Warm Regards,
    Carolyn
    http://www.topfashion-girl.com
     

  12. Guest22468421

    SinO Ang GumaWa NYAn Ayan Ung TiTtle.....................................

  13. Guest22149508

    ang palaka at ang alakdan........................

  14. Guest20242561
    Isang araw, may isang alakdan na lumilibot sa bundok upang makahanap ng lilipat. Nilakbay niya ang mga gubat, burol... Umakyat sa mga batuhan at halamanan hanggang sa umabot siya sa isang ilog. Malawak at mahaba ang ilog kaya huminto siya at nagplano. Walang paraan para siya ay makatawid kaya't siya ay naglibot paakyat-pababa sa paligid ng ilog hanggang sa siya'y napaisip na bumalik na lamang. Mula sa isang tabi, may nakita siyang isang palaka na tumatawid sa ilog. Naisip niyang humingi ng tulong dito. "Magandang Umaga Ginoong Palaka!" tawag ng alakdan. "Maaari mo ba kong isakay sa iyong likod para makatawid sa ilog?" "Ayoko nga, pano ako makakasiguro na hindi mo ko papatayin?" tanong nang nangangambang palaka. "Dahil," sagot ng alakdan. "Kung patayin kita, mamamatay din ako dahil hindi ako marunong lumangoy!" Mula doon ay napaisip ang palaka. May punto nga naman ang alakdan... Nguni't para makasiguro ay tinanong niya ito ulit. "Pano kung malapit na tayo sa baybayin? Maaari mo parin akong patayin tapos ay ikaw na lang ang uusad sa gilid ng ilog." "Totoo, " sumang-ayon ang alakdan, "Pero walang paraan para ako ay umabot sa kabilang dulo ng ilog." "O sige... pano kung aantayin mo lamang tayong makatuntong sa kabilang dulo bago mo ko patayin." sabi ni palaka. "Ahhh... dahil kapag nadala mo na ko sa kabilang dulo, magkakaroon ako ng utang na loob sa iyo kaya't hindi ko magagawang patayin ka, diba?" sagot ng alakdan. Sumang-ayon ang palaka na itawid ang alakdan kaya siya ay nagpunta sa kinaroroonan nito at isinakay siya. Matapos noon, ay tumawid na ang palaka sa ilog na kasama ang alakdan... Bagaman malakas ang daloy ng ilog, siniguro niya na di malulunod ang kanyang pasahero. Nguni't sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay, naramdaman ng palaka na may tumusok sa kanyang likuran. Nang napasilip siya ay nakita niyang tinatanggal ng kanyang pasahero ang nakatusok na buntot na may lason sa kanyang likuran. Namanhin ang kanyang laman-loob hanggang sa kumalat ito sa kanyang buong katawan. "Loko-loko!" sambi't ng palaka, "Ngayon mamamatay tayong dalawa! Bakit mo ginawa yon?" Nagkipit-balikat ang alakdan at sinabing... "Wala akong magawa, natural na sa akin ang ganoon." At sabay silang nalunod sa malalim na ilog. Mula sa Eden's Bowy Ang Lobo at Ang Kambing sang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Hindi na nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Mamamatay tayo sa uhaw at gutom dito," ang sabi ng kambing. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon. Ang Kuneho at ang Pagong Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak. "Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan. "Handa na ba kayo". Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing. Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon. Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo. Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera. Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Naunahan na pala siya. ANG PANGIT NA INAKAY Tag-araw sa bukid.Isang pangit na inakay ang napisa mula sa isa sa mga itlog ng inahing pato. "Sisiw ng pabo'yan," anang isa sa mga pato sa bukid.Ngunit sa ilog,ipinakita ng pangit na inakay ang kanyang galing sa paglanggoy.Nagpasya ang inahing pato na hindi sisiw ang pangit na inakay.Ngunit naging malupit sa pangit na inakay ang ibang hayop sa kamalig,kaya nagpasya ang pangit na inakay na umalis na lamang.Napadpad ang pangit na inakay sa isang latian. Niyaya siya ng dalawang ligaw na gansa na lumipad, ngunit nabaril ang mga ito ng mangangaso.Nilisan ng pangit na inakay ang latian.Narating niya ang kubo ng isang aleng may alagang inahing manok at pusa.Dahil nais ng inahin na mangitlog siya at gusto naman ng pusa na magmiyaw siya,umalis na lamang ang pangit na inakay.Bumalik ang pangit na inakay sa latian.Nakakita siya ng isang kawan ng naggandahan at puting-puting ibon.Ibinuka ng mga ibon ang mga pakpak at lumipad.Dumating ang taglamig.Nilukuban ng yelo ang pangit na inakay.Isang dumaraang magsasaka ang sumagip sa kanya at iniuwi siya sa bahay.Nang mahimasmasan ang pangit na inakay ay hinabol siya ng mga anak ng magsasaka.Sa takot na baka saktan siya ay kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay.Walang ibang mapuntahan ang pangit na inakay kundi ang latian-at ang malupit na taglamig.Sa wakas,sumikat din ang araw.Dumating na ang tagsibol.Ibinuka ng pangit na inakay ang kanyang mga pakpak at nagpanto niyang nakakalipad na siya!Dumapo ang pangit na sisiw sa lawa ng isang maringal na hardin.Doon ay nakita niya uli ang mga puting ibon na may mahahagway na leeg.Mga sisne!Hinihintay niyang tukain at saktan siya ng mga sisne dahil sa kanyang kapangitan...Ngunit nang tumingin siya sa tubig ay nasalamin niya roon ang kanyang anyo.Siya rin ay isa nang napakagandang puting sisne!Naalala ng dating pangit na inakay ang mga panlilibak sa kanya.Kung hindi sa mga hirap na dinanas niya ay hindi niya mapapahalagan ang kanyang kapalaran at magandang anyo. ARAL NG KWENTO: "ANG MGA PAGSUBOK AT PAGHIHRAP SA BUHAY AY MAY KATAPAT NA MAGANDANG GANTIMPALA." Ang Daga at ang Leon Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. “Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin” sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. “Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng leon. “Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, “ sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. “Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa kaibigang daga. Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan. Ang Lobo at ang Ubas Ang katagang ”sour grape” o “maasim na ubas” ay hinango sa isa sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng Katig.Com: Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. “Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili. Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas. Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili. Mga Aral: Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang “sour grape” o “maasim na ubas” dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na makamtan. Ang sour-graping o pagsasabi ng “sour grape” o “maasim na ubas” ay maaaring pagtatakip lang sa isang pagkukulang o pampalubag-loob sa sarili dahil sa pagkabigo ng isang tao na makamit ang kanyang gusto. Mga halimbawa: Ang isang binata na nabigong makamtan ang pagmamahal ng kanyang nililigawan dahil hindi siya naging karapat-dapat sa pag-ibig ng dalaga ay maaaring magsabi ng “hindi na bale, hindi ko naman siya talagang gusto.” Ang kanyang pagsasabi ng ganito ay isang sour graping lamang. Maraming mga kandidato ang nagsasabi na kaya sila natalo sa halalan ay dahil sa pandaraya ng mga kalaban. Totoo na may nagaganap na dayaan tuwing halalan subalit bihira ang kandidato na aamin na siya ay natalo dahil ang kanyang kalaban ay mas magaling at higit na karapat-dapat mahalal. Kadalasan ang hinaing ng natalong kandidato ay sour-graping lamang. ******** Ang Kabayo at ang Kalabao Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. “Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw. “Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. “Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw. “Bahala ka sa buhay mo,” naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. “Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili. Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan. ******* Ang Kabayo at ang Mangangalakal Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke. Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo: “Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni’t sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog. Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo – dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo. “Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko,” ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin. Mga aral ng pabula: Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan. *******
  15. Guest20109553
    leon at ang daga.. nice fable.. hahaa,,
  16. Guest19832685
    ang mag anak na langgam
  17. Guest19830773
    ang pabula ni langgam at uwang
  18. Guest19689415
    Si Palaka at si Uwang
  19. Guest19614605
    AMOMONGO AT SI IPUT-IPUT
  20. Guest19501221
    mga maganak ng langgam
  21. Guest19407821
    TitE hehehehe!!
  22. Guest19354365
    si Amomongo at si iput iput
  23. Guest19344753
    Amomongo at si Gorilya
  24. Guest19317502
    Kailangan ko po yung mismong Kwento ng Pabula ng mga sumusunod: Ang Palaka at ang Uwang, Si Amomongo at Iput iput, Ang Gorilya at Alitaptap, Ang Mag-anak na Langgam, Bakit maliit ang bewang ng putakte, Ang Masamang Kalahi.
  25. Guest19296368
    ang mag anak na langgam
  26. Guest19294384
    KUWENTO ANG PALAKA AT SI UWANG
  27. Guest19288557
    ang mag_anak na langgam
  28. Guest16151508
    ang mag-anak na langgam
  29. Guest11511982
    hotdog ka un ang pabula!!!!!!
  30. Guest11017256
    ano ba yan wala ba kayong maraming tauhan!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!huh

Question Stats

Latest activity: 3 months, 1 day(s) ago.
This question has been viewed 11724 times and has 30 answers.

5 People are following this question

carinadecastroariatejenelynaimeepapuranjaron27forevermariellerupido

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.