Question:

Mababasa po kaya ito ng Wisk Ko lang staff at ni ate vicky?

by npungriano28  |  9 years, 6 month(s) ago

0 LIKES UnLike

Wish Ko Lang
GMA Network Inc.

Dear Ma’am Vicky:

Ma’am Vicky at sa inyong mga staff isang magandang araw po sa inyo at sa inyong malawak at makabuluhang programa. Ako po’y lubos na nagagalak ng mahanap ko sa internet ang inyong e-mail address, ako po ay tagasubaybay ng programang ito noon pa man ako’y nasa kolehiyo. Ako po’y nakailang beses na ring sumulat sa programang ito para sa aking kahilingan sa aking pagpapagamot sa aking karamdaman.

Hindi man po ako pinalad sa mga nakaraang panahon, nauunawaan ko po naman na marami sa amin ang naghahangad na madampian ng tulong mula sa inyong programa, bunsod po ng paghihikahos sa buhay.

Ma’am ako po si Niño Ungriano, taga Real, Quezon, ako po ay may kapansanan mula nang ako’y ipinanganak, ako’y isang club foot (baliktad ang dalawang paa) and spina bifida (may bukol ang likod) patient, ang nagpakirot pa po ng puso ng aking magulang nagkaroon po ng depekto ang aking karamdamang ito ng nagkakaroon po ng mga sugat ang aking dalawang paa na hirap pagalingin, na tawag ng mga doctor dito ay chronic osteomylitis. Ako po ay naka-anim na mabibigat na operasyon mula sa aking walong buwang gulang pa lamang sa PGH at Philippine Orthopedic. Hanggang sa edad kong 26 years old ako’y tuluyang pinutulan ng kaliwang paa upang maalis ang panganib sa aking buhay. At sa di pa po namin inaasahan, ang mga bawat gamot na ininom ko ay nagkaroon naman ng epekto sa aking katawan, ako po ay tinubuan ng himatay o epilepsy at hanggang sa ngayon ito po ay aking iniinuman ng gamot.

Ma’am Vicky ginawa ko na po lahat ang pagkakataon at umasa sa ating mga pulitiko sa kanilang binibitiwang pangako sa akin. May mga pinalad at hindi na pulitiko na manalo, kaya’t sa aking pagnanais na makahanap o makapasok ng trabaho ay aking hinintay ang pagkakataong kanilang tuparin ang kanilang ipinangako sa akin. Mula ng ako’y makatapos ng aking pag-aaral sa kolehiyo taong 2003 hanggang sa ngayon ay umasa akong kanilang tutulungan.

Kaya’t ako po naman ay naghahangad na matulungan ng inyong programa na mailapit po ako sa DOLE management o sa sinuman pong taong nais tumulong at magbigay ng pagkakataon sa akin na maihanap ng trabaho ng naaayon po sa aking kakayahan, ako po ay nakatapos ng Bachelor of Science in Computer Science noong 2003, pitong (7) taon po akong umasa at magpasa-hanggang ngayon ay patuloy pa rin umaasa at pinapaasa. Gayundin, sana po naman ay mapalitan na po ang aking wheelchair na nagmula po noon sa Tahanang Walang Hagdanan.

Ma’am Vicky ako po ay bunso sa apat na magkakapatid, ang magulang ko po ay matatanda na, bagama’t ang tatay ay may natatanggap na pensiyon ngunit maliit (1,500). Ako po ay may maliit na trabaho sa isang computer shop bilang computer encoder, maliit lamang po aking kinikita di po makatumbas sa malaking gastos. Di ko po kayang tiisin ang aking magulang, kapatid na babae na walang trabaho at mga pamangkin ko, kahit ako po ay may asawa na.

Ma’am Vicky sana matulungan nyo po ako at ng inyong programa, nakikita ko pong nahihilo aking mga magulang sa pagtitiis ng gutom, matatanda na po sila, nais ko po naman na sila ay matulungan kahit ganito laman ang aking kalagayan. Ma’am sana po ang pangarap ko pong ito ay inyong mapagbigyan. Ma’am Vicky ipagpaumanhin nyo po kung ini-attached ang aking patulang-talambuhay na ako po mismo ang sumulat. Maraming salamat po sa inyong makabuluhang programa.

God bless po!

Gumagalang,

Niño P. Ungriano
From: Brgy Ungos, Real,
Quezon 4335

BIBO
Tulang buhay at katha ni: Niño P. Ungriano

Sa maawiting dalampasigan
Bayan sa Timog Katagalugan
Gabi sa araw ng kapistahan
Ina`y pagsimulang paghilaban

Tuwa`t saya sa aking pagsilang
Naramdaman ng mga magulang
Ngunit kinurut ng kalungkutan
Sa`king kakambal na kapansanan

Ospital ang nagging bakasyonan
Mula sa gulang na s`yam na buwan
Dama ko tuloy ako`y sanayan
Doktor na kulang sa karanasan

Albularyo man ay sinubukan
Tawas, pagsukat sa kalingkikan
Anila`y ako`y nasasapian
Lamang-lupa sa kapaligiran

Operayon sa aki`y pahulaan
Sakit ko ba ay may kalunasan?
Pag-asa`y di ako nawawalan
Hangga`t may Diyos na malalapitan

Kapansanan ko`y nagging tampulan
Nang tukso sa aking kabataan
Datapwa`t hindi naging dahilan
Kalagayan ko`y aking iyakan

Ang edukasyon ay kayamanan
Sa gaya kong aba sa lipunan
Pagkakataon ako`y nabigyan
Kolehiyo`y natapos din naman

Isipan ko`y tigib ng pangarap
Sa aking buhay, sarap na sangkap
Ama ng baya`y minamarapat
Sa guhit ng palad, mapatapat

`Sang taos pusong pasasalamat
Sa aking pamilya nararapat
Kanilang pagaarugang tapat
Pagtamo sa pangarap ay sapat

Pilantropo`t pulitiko man
Doktor, ordinaryong mamamayan
Ang kanilang gintong kalooban
Lubos na pinasasalamatan

Mithiing marubdob masuklian
kanilang brilyanteng kalooban
Kahit sa maliit na paraan
Tiyak na makatao`t makabayan

Di naman lipos ng kalungkutan
Sa buhay ng BIBO`Y naranasan
Meron ding kilitia`t tawanan
Sa masulasok na kapalaran

 Tags: ate, ito, kaya, ko, Lang, mababasa, NG, ni, PO, staff, Vicky, Wisk

   Report
npungriano28 QUESTIONS
CAN YOU ANSWER?

Question Stats

Latest activity: 9 years, 6 month(s) ago.
This question has been viewed 712 times and has 0 answers.

1 User is following this question

npungriano28

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.