Paano nga ba magsulat? Kailangan ba talaga ng experience para makagawa ng isang libro o kahit babasahin? Kailangan ba na malalim ang tagalog o English na gagamitin? O pwede nman na kahit ano basta alam mo ang gusto mong iparating. Eh ano naman ang ipaparating ng isang tao na sasarili nyang buhay ay wala pang nararating?
Basta ako, tama na ang debate sa sarili. Ako ay wala pang napapatunay o nararating sa buhay peo ang aking isip medyo malayo na, nagsisimula sa pagiisip ng pwede o mas magandang mangyari sa isang kwento o simpleng pagkatapon ng isang tasa ng mainit na kape. Pano kung natapon yun sa isang sakong bigas na kabubukas pa lang, magmumura kaya sa galit ang bumili o magtatatalon sa tuwa dahil ito ang eksaktong sign na hiningi nya… hindi ako magaling magsulat ng kuwento alam ko yun, pero hindi nman kailangan na magaling ka para gumawa ng isa hindi ba?
Pano ka nga naman makakalikha ng kwento kung ang sabi ng mga sikat na manunulat ay dahil sa mga inspiration nila kaya sila nakagagawa ng mga magagandang obra at dahil din sa likas na talent nila. Ako,walang inspiration dahil ang mga ginagawa ko out of boredom lang. Pero nakakagawa ako, pero wala nga lang sense. Ano nga ba yung obra na may sense? Yung bang nakakaiyak, yung may aral o yung pagiisipin ka sa mga bagay bagay kung yun yun wala nga ako nun. Sa Talent? Di ko alam kung meron,ang mga ganung bagay sinasabi yun ng mga tao na hindi mo kilala peo inappreciate yung ginawa mo. Sa paanong paraan? Hindi ko alam.
Ano nga bang dapat gawin ng isang tao na nakakasayaw pero hindi magaling, nakakakanta pero walang talent sa pagkanta, nakakapagaral pero hindi honor. Habang buhay magpatawa? Pano ka magmamarka sa isip ng isang tao kung wala kang maipakita? Paano ka may maaabot kung ni wala kang nararating. Tunog parehas pero magkaiba. Pagisipan mo.
Kung magiisip ka ng malalim mas marami kang maiisip, oo minsan na iisip mo masuwerte ka dahil may mas malas sayo, yun lang ba ang batayan ng pagiging swerte? Kailangan ba talaga na tignan mo ang ibang tao para malaman mo ang gusto mo? O ang kalagayan mo. Hindi ka magaling kasi mas magaling sya. May sense ba? Alam mo na tong mga bagay na nakasulat dito, tama ako diba? Pero bat ngayun mo lang iniisip?
May mga bagay na hindi para sayo, yan ang sabi ng iba. Pero sakin ang mga bagay na hindi para sayo ay yung mga bagay na ayaw mo. Ganung ka simple, dahil kung gusto mo, para sayo, Tapos. Pero sa buhay natin hindi sa lahat ng pagkakataon pwede mong igiit ang gusto mo. Dahil ang mga bagay na minsan para sayo na, pinababayaan mo na maging para sa iba, sa maraming dahilan. Pero mas madalas na akala mo para sa iba kaya pinababayaan mo na lang, magiintay ka na lang na sana may iba rin na isipin at akalain na para sayo nman at sila ang magpabaya.
Marami ang kayang magsulat at gustong magsulat, pero hindi lahat gustong magpabasa ng mga sinulat, kung iisipin nagsulat ka pa kung walang makakabasa. Sa pananaw ko pakielam nyo! Sino ba ang nagpagod magsulat ako nman diba? Pero ano nga bang pakiramdam ng may nakabasa ng ginawa mo at tuwang tuwa sa bago nilang na diskubre mula sayo. Pero ano nga bang pakiramdam ng may nakabasa ng ginawa mo at nginitian ka lang? o pinuri pero galing sa ilong, nagandahan pero ni ang nagsulat hindi sangayon. Pano kung hindi sila natuwa sa nadiskubre, nabaduyan at bumaba ang respeto, pano kung isipin nila na isa ka sa mga karakter na inimbento mo, pano mo ipapaliwanag ang sarili mo? Sa dami ng pwedeng mangyari masgugustohin mo pa na ikaw na lang ang magbasa. Tutal ibang saya din naman ang naiidulot ng makatapos ng isang kwento kahit walang istorya. Sapat na para sa ilang oras mong nakatutok sa computer at minsang pagkatulala. Isa nga lang ang ibg sabihin nun wala kang tiwala sa sarili mo.
Saan ba nakakabili ng tiwala sa sarili? Pano mo yun makukuha kung ikaw ay isang tao na takot mareject, kahit pilitin mo na palakasin ang loob mo, magisip ng magisip ng kung sino sinong tao na nagawa yun at isipin na kaya mo din walang mangyayari dahil takot ka. Takot ka at walang mangyayari. Tunong parehas pero magkaiba, pagisipan mo.
Pinaka mahirap kalaban ang sarili, lalo na kung sumasagot ito, dahil ibig sabihin hindi buo ang loob mo dahil kung buo hindi na sasagot ang sarili mo at sasangayon na lang ito. Gawin mo ang sa tingin mong dapat, pero pano kung parehas may point? Alamin mo kung anong gusto mo, pano kung wala kang gusto at hindi mo pa alam? Pilit mong alamin ang gusto mo, pano kung sa tagal mong malaman, may mga tao na nagsasabi kung ano dapat ang gustuhin mo. Isa lang ang madalas na nangyayari, sinusubukan mo ang gusto ng iba habang wala ka pang gusto hangan makalimutan mo na hindi ka na bigyan nagpagkakataon at nagustuhan mo ra rin yun, buti na nga lang kung nagustuhan mo talaga, paano kung ginusto mo na lang dahil sa takot na mawala ka sa comfort zone mo. Hindi masama ang magisip kung may kailangan na isipin o pagisipan.
Habang tumatanda ang tao nauubusan sya ng pagkakataon na itama ang mali, gawin ang tama at higit sa lahat gawin ang gusto at ikakasaya mo. Pero tulad ng sinabi ko hindi ganoong kadali. Dahil kung ang gusto mo at ikakasaya mo ay ikalulungkot ng mga tao na mahalaga sayo, handa kang ipagpalit ito, hindi ka duwag, hindi sa walang tiwala sa kakayahan mo, handa kang gawin yun dahil tao ka.
May mga bagay na nakaraan na at kailangan tangapin na hindi mo na mababago yun at habang buhay ka na lang manghihinayang. Pano kung di ka nagmatigas? Pano kung hinayaan mo ang sarili mo na maging masaya kahit hindi mo na sinunod ang inaakala mong tamang paraan para mas maging masaya. Pano kung hindi mo na tiniis ang sarili mo at hindi ka na dumaan sa lumang proceso. Ng dahil sa akala mo yun ang tama dahil yun ang nakikita mo at yun ang madalas akala mo na nangyayari, tuloy naiwan ka at di nagging masaya. Pero pano kung hinayaan mo lang at sa huli ikaw din ang nasaktan. Sangayon hindi ka nasaktan pero di ka masaya. Mas gugustuhin mo ba ang saktong kabaliktaran nito? Ako oo, dahil nasubukan ko na yung una baka mas maganda yung pangalawa. Huli na ang lahat di mo na malalaman, habang buhay mo na lang iisipin kung paano. Isa lang ang satingin kong magagawa ko para hindi manghinayang at piliting maging masaya sa nagawa na. Simple paniwalain mo ang sarili mo na mas mabuti na lang at di ka nagpadala.
May mga bagay naman na ginawa ka pero grabe ang nagging kapalit nagging mahirap para sayo ang umalis araw araw at parang sinasaksak ka kada minuto. Pero nagsisi ka ba? Minsan oo dahil mas nagging masaya sana, pero minsan lang yun, dahil mas madalas hindi ka nagsisi, ng dahil dun may bago kang nalaman, nakasama na mas nagging masaya ka. Simple lang ang ibig kong sabihin sa mga desisyon mo, kahit alam mo na mali, hindi sa lahat ng oras at pagkakataon nakakapagsisi. Nasa kung paano mo lang hahanapin ang mabuting naidulot ng mga ginawa mo, kung titingbangin mo ang kinalabasan, siguraduhin mo na magdadagdag ka ng boto para sa maganda dahil wala na rin naman magagawa kung yung kabila ang mas matingbang. Hanapin mo. Kung di mo kayang hanapin wag mo ng pagaksayahan ng oras para isipin. Yung bago ang harapin mo at pagisipan. At pag mali parin balik tayo sa umpisa hangan maitama mo na. at kung mali pa rin? Pwes hindi nay un mali, dahil ibig sabihin yun talaga ikaw at tama yun kahit mali sa tingin ng iba. Tama yun kahit mali, dahil walang mali sa tama. Tunong parehas pero magkaiba, pagisipan mo.
May mga bagay na hindi na pinagiisipan basta mo n lang gagawin, dahil habol ka ng oras at ipit ka na sa pagkakataon, yun ang mga bagay na mas nakakapagsisi, dahil yun ang mga bagay na hindi pinag isipan at basta na lang ginawa. Pero sa huli may malalaman ka, yung mga bagay na hindi mo pinagisipan ay pagiisipan mo nag higit pa sa ilang beses na maaari mong mabilang, ito ay dahil sa hindi mo sya napagisipan ng una pa lang, paikot ikot pero may tuldok.
Sabi nila malayo daw ang mararating ng taong may pangarap, sagot ko depende...may mga pangarap na pang pangarap lang hindi pwede sa totoong buhay, kung akala nyo walang imposible, basta..kayang isipin kayang gawin.. isa lang ang masasabi ko sa mga taong ganung magisip..ang tapang nyo! Kailangan ba ng tapang at lakas ng loob sa pangangarap? Oo nman, dahil kailangan mo ng tapang para harapin lahat ng posibleng mangyari habang tinitupad mo ang pangarap mo, lakas ng loob at pagiginghanda kung sakaling hindi ito matupad…
Minsan kailangan mo pang magmadali sa pagtupad ng mga pangarap mo, hindi dahil gusto mo na, kung hindi dahil sa walang permanente, may mga bagay kang gusting patunayan at mga tao na gusting pasikatan…mawawalan ng saysay ang matagal mo ng pinangarap kung bigla n lang ayaw mo na ng bagay n yun o dahil wla n yung pasisikatan mo, magaling ka kung lalo ka pang maeengganyo kung wla n parehas, dahil kaya mong paniwalain ang sarili mo na my bright side lahat ng bagay, madali yang sabihin kung hindi ikaw ang nasa sitwasyong kailanggang hanapan ng nasabing bright side…maniwala ka, alam ko, kung kilala mo ko maniniwala ka.
hehe..nakita q lang yan dun sa my shop..XP