LIHAM NAGTATANONG
506 Lakas St.
Bacood, Sta.Mesa
Ika-13 ng Nobyembre 2010
Ang Dekano
Kolehiyo ng Businesss Administration
Pamantasan ng Santo Tomas
Ginoo:
Katatapos ko po lamang sa hayskul at nagbabalak na mag-aral sa inyong pamantasan. Nais ko pong magpatala sa Kolehiyo ng Businesss Administration. Maaari po bang malaman kung kalian at saan kayo magbibigay ng pagsusulit sa mga bagong magpapatalang mag-aaral? Nais ko rin pong malaman kung anu-ano ang mga kailangang dalhin bago makapagsulit at gayon din ang halagang ibabayad sa application form.
Ipinaaabot kop o ang taos-puso kong pasasalamat.
Magalang na sumasainyo,
Luz Del Mundo
LIHAM NAG-AANYAYA
Manuel Roxas High School
Paco, Maynila
Ika-13 ng Nobyembre 2010
Dr. Estrella Roxas
Dekana, Kolehiyo ng Nutrisyon
Emilio Aguinaldo College
Mahal na Doktora Roxas:
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, magkakaroon ang aming paaralan ng iba't ibang gawain at palatutuntunan na magbibigay-sigla sa kahalagahan ng pagdiriwang na ito.
Isang seminar na kaugnay ng Buwan ng nutrisyon ang idaraos sa aming paaralan na dadaluhan ng mga guro at tagamasid mula sa iba't ibang mataas na paaralan ng sangay ng paaralang Lungsod ng Maynila. Dahil po rito nais naming kayong anyayahan na maging panauhing tagapanayam tungkol sa paksang "Ang Kahalagahan ng Nutrisyon sa Kalusugan". Ito'y gaganapin sa ika-10 ng Hulyo, taong kasalukuyan sa awditoryum ng paaralan. Alam ko pong may malawak kayong kaalamang maibabahagi sa aming mga guro.
Inaasahan kop o ang inyong pagdalo.
Matapat na sumasainyo,
Gng. Lucila Santos Punungguro
LIHAM NAG-AAPLY
#000 Bauan, Batangas
Ika-13 ng Nobyembre 2010
G. Robert T. Garcia
Q.C. Head, AG&P Batangas
San Roque, Bauan, Batangas
Mahal na G. Garcia:
Sumulat po ako para mag-apply sa posisyon na Q.C. Manager na nakalathala sa Manila Bulletin. Ayon po sa hinihiling, nakapaloob po dito ang application form, bio-data, sertipikasyon, resume at tatlong tao na pwedeng sanggunian.
Nag-aral po ako ng Chemical Engineering sa Batangas State University (BSU) at naging c*m Laude. Naging pangsiyam din po ako sa Board Exam. Mayroon na po akong tatlong taon na karanasan sa trabahomg ito. Nakasulat po sa aking resume ang karagdagang impomasyon sa aking kasanayan.
Maaari po akong matagpuan kahit kalian sa aking email address na ma.sophiajoievasquez@yahoo.com o sa telepono na may numerong 09192811842.
Maraming salamat po sa inyong oras at pang-unawa. Sana po ay magkausap tayo sa susunod na mga araw.
Lubos na gumagalang,
Ma. Sophia Joie Vasquez
Report (5) (7) |
9 years, 1 month(s) ago