Question:

Ang tema sa pangangalaga sa wika at kalikasan wagas na pagmamahal talagang kailangan

by Guest20055026  |  4 years, 2 month(s) ago

0 LIKES UnLike

Ang tema sa pangangalaga sa wika at kalikasan wagas na pagmamahal talagang kailangan

 Tags: ang, kailangan, kalikasan, Na, pagmamahal, Pangangalaga, sa, talagang, tema, wagas, Wika

   Report

33 ANSWERS

  1. ROJETTSARAZA
    Pagpaumanhin nyo po,nais ko lang pong linawin na hindi maaaring kopyahin o gayahin ang nakatha kong sanaysay sapagkat ito'y naibahagi ko na at napagtagumpayan sa aming buwan ng wika,ang naisin ko lamang ay makakuha ang lahat ng kaalaman at ideya hinngil sa aking ginawang sanaysay tungkol sa pangangalaga ng wika at kalikasan,wagas na pagmamahal talagang kailangan,,,nirarapat ko po sanang hwag asaming kopyahin ang aking sanaysay,ayos lang po kung kukuha ng mga ideya buhat dito,,,,,, sana'y makiisa kayo sa aking nabatid... lubos na gumagalang, rojett saraza

  2. Guest20418030
    Ang kalikasan at Wika ay parehong mahalaga. Ang dalawang ito ay mahalaga para mabuhay.
  3. Guest20404471
    Sa pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan” Tunay na nababakas sa bawat silakbo ng ating isipan at damdamin, nababanaag ang munting pagsibol ng karunungan mula sa ibaba patungong paitaas. Na sa bawat yugtong dumaraan at lumilipas, unti-unting umiigting ang pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa mula sa ating mga sarili’t isipan. “Wika ko, wika mo, wika nila, wika nating lahat”! Pagmasdan mo’t ating pagyamaning kusa. Kailanman wika’y maihahalintulad sa pangangalaga ng ating kalikasan. Sapagkat ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog sa paglipas ng panahon para makaagapay sa pag-usbong ng kaunlaran. Ang wika rin kung mapapansin ay may sariling angkin at kakayahan sa pagpapaunlad nito. Halimbawa’y mabisa ang wika kung ito’y mapapaunlad sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, kultura, komunikasyon at iba pang larangan. Ngunit sa positibong pagpapakahulugang ito, marami pa rin ang nahihiwagaan at gustong maunawaan kung ano nga ba ang tunay na pagpapakahulugan sa “Wika” sa pangangalaga nito. Kung ang wika ay behikulo ng paghahatid ng damdamin sa kinauukulan, masasabing ito’y may pinagmulan noong unang panahon na kung saan ay hindi maipaliwanag ng mga dalubhasa sa pag-aaral ng wika o kung tawagin ay “Dalubwika”. Ito ay ang teorya ng mga Wika o pinagmulan nito. Sa “Teoryang Ding-dong”, lahat ng bagay sa paligid ay lumilikha ng sariling tunog nito; sa “Teoryang Yum-yum”, ang bawat kilos ng tao o anumang bagay na tumutugon sa kumpas o galaw ng kamay ng tao ay may kahulugan; sa Teoryang Pooh-pooh”, ang mga tao ay natutong magsalita dahil sa silakbo ng damdamin; sa “Teoryang Bow-wow”, ang tao naman ay nanggagaya sa tunog ng hayop at sa “Teoryang Yo-he-ho”, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng puwersang pangkatawan. Patunay lamang na sa mga paliwanag na ito ay naipapakita ang kabihasnan ng wika. Batay na rin sa maraming pagpapaliwanag, hindi sapat ang ganitong kaliwanagan para mapatunayan na ang “Wika” ay may pagpapahalaga at pangangalaga. Napapaloob din sa Wikang Filipino ang mga antas nito kabilang ang “Balbal” kung saan, naipapakita ang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pagsasalita ng impormal na usapin o mababang uri ng pagsasalita kung saan ay makikita sa mga lansangan o kanto. Ang “Lalawiganin” na kung saan, ang mga tao ay nagkakaintindihan ng kanilang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng sariling pagkakaintindihan batay sa kanilang nakagawian o tumatak na sa kanilang kultura at tradisyon. “Kolokyalismo” ay tumutukoy naman sa mga usaping impormal o di-pangkaraniwan lamang na kalimitang matatagpuan sa usaping pambahay o simpleng kaibigan na kung tawagin ay “Kolokyalismong pangkaraniwan” at usaping pampaaralan naman o mapormal na paglalahad ng usapin ay tinatawag na “kolokyalismong may talino”. At ang “Pampanitikan” na sumasaklaw sa pinakamataas na uri ng antas na kalimitang nagagamitan sa usaping pormal na pagkakalahad tulad ng Tayutay,Sanaysay, Maikling kwento at marami pang iba. Tulad ng mga nabanggit na ito, masasabi ngang ito’y may pagpapahalaga sa ating wika kung maipapasok rin dito ang mga batas sa “Wikang Filipino”. Sa layunin ng batas na ito, ninanais ang pagkakaroon at pagpapalawig ng wikang ito nang dahil na rin sa mga batas na naitatag. Mayroong batas na nagsasaad na kailangang awitin ang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” sa salitang tagalog, kung saan ito’y pinagtibay noong mga panahon na tayo’y nasa kamay pa ng mga banyaga. Maisasama rin dito ang pagtuturo ng “Wikang Flipino” mula sa mataas at pampublikong pampaaralan. Ito ay napalawig rin nang itatag ang pagtutro sa Asignatura ng Filipino sa mga kolehiyo. Gayundin ang mga pagtatatag ng batas na nagsasaad na gagawin ng salitang “Filipino” ang mga gusali at pangalan ng mga kompanya na kung saan ay maipapakita ang pangalan ng isang Pilipino. At sa patuloy na pag-igting ng batas sa “Wikang Filipino”, maging ang mga sertipiko, sedula, katibayan at kaukulang papeles ay isasalin sa salitang Tagalog para nang sa ganun ay mapabilis ang pagkaunawa ng bawat mamamayang Pilipino. Sa paglaganap ng mga adhikain at layuning ito, pinangalagaan at pinangunahan pa rin ng ating “Ama ng Wikang Pambansa”, sa katauhan ni Manuel Luis Quezon ang sangkap sa pagpapaunlad ng wika. Una na rito ang pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” kung saan sakop ang kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar mula Marso hanggang Abril at ito’y napalitan naman ng “Buwan ng Wika” sa buong buwan ng Agosto. Pinapatunayan dito ang saklaw sa pagkatuto at pagpapalawig ng kaalaman sa pagiging malikhain sa pagsulat ng Sanaysay, Maikling kwento, Tula, Talumpati at pakikipagtalastasan sa Balagtasan. Pangalawa ay ang paghalal nya sa mga kinatawan na mangangalaga ng batas ng wika sa bawat lalawiganin ng bansa kung saan ay napapaloob ang mga alituntunin at layunin sa pag-usbong sa pakikipagkomunikasyon. At ang pangatlo ay ang pagtatatag ng iisang Wikang Pambansa na “Wikang Filipino”. Ito ay para sa ikabibilis at ikauunlad ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa buong bansa at mapabilis ang pag-usad ng pagkakaintindihan sa mga lugar na malalayo at magkakaiba. Ayon na rin mismo kay Manuel Quezon, hindi kailangang maging isang sagabal ang ibang wika sa sariling wika. Nababakas rito ang pagtangkilik o pagpapanatili ng pagkahilig sa salitang banyaga kung saan ay kalimitang ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon sa bawat sulok ng Daigdig. Ito ay ang paggamit ng salitang “Ingles”. Popular na gamitin sa mabilis na pagkakaunawaan ng iba’t-ibang tao. Kung ating babalikan ang nakaraang panahong Amerikano sa ating bansa, sila ang nagtulak sa atin na magkaroon ng edukasyon para magkaroon ng sariling kakanyahan at karunungan. Sabi nga, “Ang Edukasyon ang susi sa kaunlaran ng bayan”. Sa kanila tayo natutong magsalita ng Ingles. Kaya naman ang bawat isa ay mabilis na nagkakaunawaan. Ngunit sa ganitong pagkakataon, alalahanin na sa bawat ikot ng buhay, ang sariling wika ay kailanma’y hindi dapat itakwil. Ika nga ng ating pambansang bayani na si Gat.Jose Rizal, “ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Patunay lamang ito na hindi dapat lapastanganin ang wikang nakagisnan. Maihahalintulad rin ito sa mga bayaning nagtanggol sa ating bayan at isa sa maipapahiwatig rito ay si Gat.Jose Rizal. Siya ay naghimagsik gamit ang pluma sa pagsulat o paglathala ng nobela na sumasaklaw sa maling pamamalakad at pag-aalipusta ng mga kastila sa mga Pilipino. Isa sa nagawa ni Gat.Jose Rizal ay “Noli Me Tangere” na kung sa tagalog ay “Huwag mo akong Salingin”. Kaya naman sa nagawang paglabag ni Gat.Jose Rizal laban sa mga kastila, sya ay nahatulan ng kamatayan at binaril sa Bagumbayan(Luneta Park). Makikita sa pagkakasalaysay ng buhay ni Gat.Jose Rizal ay ang lubusan niyang pagmamahal sa kanyang bayan na maikukumpara sa wikang pinangngalagaan. Sa paglipas ng mga henerasyon, nababago, napauunlad at nadaragdagan ang bokabularyo ng bawat wika. Sa bawat tao na nabubuhay at nagkakaroon ng puwang sa Daigdig, nagkakaroon ng ambag sa lipunan sa pagbabahagi ng bagong tuklas ng salita at dayalekto. Ibatay na lamang sa kasalukuyang panahon, kakaiba at mulat sa modernisasyon at makabagong teknolohiya, ibang-ibang sa mabilis na transportasyon at komunikasyon, lalung-lalo na sa mga kabataan, silaw sa mga bagay na nakalilibang at madalas kahiligan ang mga usong-usong kagamitan tulad ng “computer” na talamak sa paglalaro ng mga larong dota, “cellphone” na mailalarawan sa pagtetext nga mga salitang padaglat, pagpapaiksi, pagpapaganda ng salita, pagpapaarte, pagbibigay itsura sa salita na kung tawagin ay “jejemon”. Ito ang madalas na nasasambit ng mga kabataan sa ngayon sa kanilang pagpapahayag ng damdamin sa kapwa, kaibigan at kamag-anak. Ngunit sa pamamaraang ito, maituturing na “salot sa lipunan”, dahil kung mapapansin sa bawat salita, pantig, baybay at bigkas ng pangungusap, mali at taliwas sa tamang paggamit ng salita sa wika. Nagkakaroon tuloy ng pagka-mangmang sa gawaing ito dahil impormal na usapin sa pagpapahayag ng salita. Kaya’t tuloy nagkakaroon ng komplikadong pananaw sa pagsasalita dahil hindi lubos maintindihan ang tamang paggamit na humahantong sa maling pamamaraan. Kaalinsabay naman nito ang pag-usbong ng “jejebuster”. Dito naman napapaloob ang pagpuksa at pag-iwas sa gawain ng “jejemon” sa pagpapahayag ng tamang layunin sa wika. Nasasansala ang pamamaraan ng “jejemon” sa pagpapadagdag ng salita sa bokabularyo ng wika at hindi kailanman ito na maibibilang sa Antas ng Wika. Sa pagkakatuklas ng mga ito, dito nasusukat ang hangganan at katapusan ng modernisasyon na sa bandang huli ay may kaakibat na kagandahan at kapintasanan. Bagkus, marami pa ring mga Pilipino ang di nakapag-aral na kung kaya’t sila’y hindi nakasasabay sa daloy at silakbo ng pagbabago sa lipunan. Maihahalintulad rito ang mga Mangmang. Sila ang mga taong hindi nabigyan ng sapat na karunungan para sila’y pumaitaas at para umunlad. Ang nasasambit nila sa bawat kanilang salita ay bulol o kung minsan ay mali ang pagkakabigkas ng isang tamang salita. Humahantong sa panlalait ng mga nakatataas sa kanila. Sa lipunang ginagalawang ito, nagkakaroon ng mayaman o mahirap, mababa o mataas na antas sa buhay. Sa bansang Pilipinas, nagtataglay ng napakaraming wikain sa iba’t ibang rehiyon. Humigit pitong libong pulo ng bansa ay humigit kumulang naman na nasa isang daang dayalekto na ginagamit sa bawat lalawiganin sa Pilipinas. Dito nababatid ang sariling dayalekto ng bawat lalawiganin sa Pilipinas. Doon lamang kalimitan nagkakaroon ng sariling pagkakaunawaan ng dahil na rin sa nakagawiang salita. Napakahirap talagang unawain na sa bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang sinusunod. Hindi alintana ang pagbubungang ito sa mapurol na paglilinaw ng isipan. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon ng isang wikang pambansa na siyang magiging daan sa pagkakaisa. Kung sa tunay na pagpapahalaga sa wika, maraming ispekulasyon ang nababalot sa bansa. Nandyan ang mga Pilipinong hitik sa paggamit ng linggwaheng banyaga tulad ng Ingles. Sa simula’t simula pa lamang nang sila’y bata ay tinuruan ng magsalita ng ganitong klaseng wikain. Kaya naman, sariling kulay ay nalulusaw sa buhay ng wika. Dahil naipapakita rito ang hindi pagkagawi sa sariling wika ng ibang Pilipino na mas napag-tuunan ay ibang wika. Pagdating sa talakayang Filipino, mangmang sila dahil wala silang alam sa simulain ng wikang ito. Ito ang mabigat sa kalooban dahil sarili mong wika ay hindi mo maintindihan. Kung palalawigin ang isipan, mas magandang naisin na maging mangmang sa ibang wika kaysa sa sariling wikang nakagawian. Pagpapatunay lamang ito na sa bawat hakbang sa tatahaking landas, unahin muna ang sariling atin bago ang kanila. Habang ang wika ay umuunlad at nababago sa paglipas ng panahon, sumasakay naman dito ang kalagayan ng “Kalikasan”. Kalikasan na sa ngayo’y kailangang pagyamanin at alagaan ng buong puso’t isipan. Saklaw ang kalikasan sa Yamang-tubig, Yamang-lupa, Yamang-mineral, Yamang-kagubatan at Yamang-hayop sa kapaligiran. Tila isang ginto ang likas-yaman sa isang bansa dahil ito ang bumubuhay sa lahat ng pangangailangan ng lahat ng may buhay na nilalang sa daigdig. Dahil kung walang kalikasan, walang mapagkukunang-yaman na ikabubuhay ng bawat isa. Kitang-kita na sa kasalukuyang panahon na ang “Inang-Kalikasan” ay unti-unting naghihikahos sa pagsisira ng mga tao. Napapabayaan ng lubusan dahil sa mali na ring pamamaraan ng pagkinabang rito. Kaya naman nagkakaroon ng mga kalamidad. Tulad ng Bagyo na nagbubunga sa pagkasira ng mga kabuhayan, pagkaguho ng kabundukan, pagbaha, pagkakasakit at pagkasawi ng mga tao. Pagsabog ng mga Bulkan na nagdudulot rin ng pagkasira ng mga kabuhayan at nagdudulot ng sakit sa tao. Sobrang init ng Mundo na nagdudulot ng kakulangan sa tubig at mabilis dapuan ng mga dumi ang mga pagkain. Pagkakalbo ng Kabundukan na nagdudulot ng pagbaha sa mga lugar at pagkasira ng mga tirahan ng hayop at kawalan ng pagkukunang yaman at pagkain. Ilan lamang ito sa mga pinsala na idinulot sa kalikasan. Bigyan natin ng puwang ang kalikasan sa ating mga puso. Sa pag-aangkat at pagbebenta ng suplay ng bigas sa bawat bansa, nagkakaroon ng kita ang bawat negosyante na nagbibigay kabuhayan at ito’y maibebenta sa mga mamimili. Sa pagbebenta ng mga prutas at gulay na talaga namang kaakibat sa pagtulong sa ating pangangatawan. Sa pagmimina ng mga ginto’t pilak sa mga kabundukan na nagbibigay ng malaking kita at halaga sa mga namumuhunan. Ito ang mga pangunahing pinagkukunang-yaman sa ating bansa mula sa kalikasan. Pansinin na rin ang nakasusulasok ng mga ilog na nagdudulot ng sakit kapag naamoy ang mabahong basurang lumulutang rito. Sa ganitong sitwasyon, binibigyang-diin at lunas ang mga ahensyang responsable rito para bigyang linis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa tungo sa paglilinis ng mga kanal, ilog, lawa, sapa at kung anu-ano pang anyong tubig. Ang pag-iwas din at di pang-aabuso sa paghuhuli ng mga isda at huhulihin lamang ang mga isda sa tama at anyo nito. Pagtigil rin sa pagsisira ng mga tirahan ng isda tulad ng “coral reefs” para ipagbenta at magkaroon ng kita. Ngunit sa ilan lamang nitong pangangalaga sa kalikasan, mayroon pa ring lumalabag sa mga batas ng kalikasan. Sa mga taong nagpuputol ng puno, matapos anihin ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ay nakakaligtaan ng palitan o taniman ng higit sa tatlo ang katumbas ng isang pagputol ng puno. Kaya dapat ay binibigyan ito ng karampatang parusa para maiwasan ito. Sa mga taong lapastangan na pinapatay ang mga hayop na walang kamuwang-muwang na ginagawang alternatibong kagamitan o kasangkapan, dapat na mabigyan rin ng parusa para masugpo ang ganitong mga katiwalian. Lubusan rin naman sa pagpapatayo ng mga gusali at subdibisyon sa mga lugar na kagubatan at humahantong sa pagkawala ng magagandang tanawin ng puno’t halaman. Nabibigyan ng importansya ang pagpapalaganap ng lakas ng teknolohiya na kung minsan ay nagdudulot ng masama dahilan sa maling pamamaraan ng gawaing ito. Kailangang ito’y maibsan sa tulong natin kung tayo’y magkakapit-bisig. Sa simpleng pagtulong, halimbawa, tayo’y magtatapon ng basura, agad nating pakaisipan ang paghihiwalay nito mula sa nabubulok, di-nabubulok, muling nagagamit at plastik na basura. O di-kaya’y sa pagtatapon ng balat ng “candy”, kung walang mapagtapunan ng basura, maaaring ilagay muna sa bulsa o kung may malalagyan at tsaka ito’y itapon kapag mayroon ng mapagtatapunan. Sa mga simpleng pamamaraang ito, malaki ang maiaambag nito sa kalikasan. Sa mga “watershed” na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig sa mga “dam” at ito’y maisusuplay sa mga kumokonsumo. Mas mainam ring panatilin na maraming puno ang isang lugar para sila’y magsisilbing sisipsip ng mga tubig kapag may baha sa kanayunan at magkaroon ng sariwang hangin sa ating mga katawan. Ang likas ay yaman at ang yaman ay likas. Sabi nga, “Tao ang sumira sa kalikasan, tao rin ang tutulong at muling magbabalik sa dating sigla at ganda ng kalikasan. Kung ang pag-ibig ay pagmamahal, gayundin sa kalikasan na dapat mahalin at pagyamaning kusa. Dahil ito lamang ang tanging sangkap sa pag-usbong ng ating ikabubuhay. Tunay nga na mahiwaga ang kalikasan sa pagpapaunlad ng wika, dahil sa pagdaan ng panahon mas lalo pang napapatunayan na ang wika ay may marami pang nananatiling lihim ayon sa pagkakagamit nito sa isang patalastasan o sa usapan man. Noong hindi pa nasasakop ang Pilipinas, may sarili na itong wikang ginagamit, mga wikang katutubo na lumaganap sa buong kapuluan ng Pilipinas at naging isang maunlad na bayan dahil na rin sa tulong ng mga wika na napagsasalinsalin sa iba’t-ibang paraan ng pananalita o gamit nito sa mga paksang pinag-uusapan. Ang wika ang buhay ng bawat tao. Kung hindi dahil sa wika, ang mga tao ay walang pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sa pamamagitan ng wika mas malaya nating naipaparating sa ibang tao ang naisasaloob natin at kung ano ang nais nating ipaalam. Ang wika ay sangkap sa kapayapaan, dahil ito ang nagtataguyod sa ating pagkamakalikasan at pananalig na magkaroon ng katahimikan sa lugar na ating ginagalawan. Dahil sa karunungan na taglay ng tao ay unti-unti niyang natutuklasan ang mga makabagong pamamaraan sa paggamit ng wika. Mula sa maliit na detalye ng paggamit ng wika ay nagkaroon ng pagpapalawak ng gamit nito, dahil sa patuloy na pagtutuklas ng mga tao kung paano, sa anong pamamaraan at kailan ginagamit ang wika. Batay sa mga pag-aaral, ang wika ang pangunahing kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaunlaran at karunungan. Mahalaga ang wika sa bawat isa sa atin. Dito nahuhubog ang tunay na kakayahan ng isang tao. Sa malao’t madali, ang wika ang tanging yaman na dapat ingatan at pagyabungin pa sa paglipas ng panahon. Sa wika makikita ang kagandahan at kariktan ng isang bagay. Maaaring maging daan ang wika sa maayos at magandang pakikipagkomunikasyon sa iba’t-ibang panig ng Daigdig. Ito ang nagbibigay karangalan sa isang tao na may pagpapahalaga sa wika, damdamin ng ibang tao at kakayahang makibagay sa ibang mga tao sa napapaligid sa atin. Kapakinabangan ang wika lalo na dito sa ating bansa. Nakikilala sa pagkakaroon ng maraming katutubong wika. Dahil dito, nagkakaroon din ng sariling wikang pambansa ang Pilipinas, dahil kung hindi mangyayari iyon, hindi magkakaintindihan ang mga taong naninirahan sa isang lugar. Mahalagang mabigyan ng pansin ang Wika. Dahil kung ito’y hindi mapapag-aralang mabuti, papaano na ang bansang Pilipinas na ating ipinagmamalaki sa buong Daigdig? Matatawag pa kaya itong tunay na likha ng Poong-Maykapal, na kung saan lahat ng mga magagandang tanawin ay sadyang iniukit para sa katanyagan ng Pilipinas. Ang kalikasan ay maihahalintulad sa wika. Kung hindi iingatan at hindi papayabungin ay masisira at mawawalang saysay. Hindi ito maaaring mapakinabangan ng maraming tao kung ito’y pinapabayaan at isinasawalang-bahala. Mahalagang pagkaingatan ang kalikasan, dahil ito ang nagsisilbing tanglaw natin sa ating magiging kinabukasan o hinaharap sa buhay. Kung magiging realidad ng ating buhay ay wasak, walang pakialam sa damdamin ng ibang tao at walang pakundangang pagkasira ng ating kalikasan. Ang yaman ng isang bansa ay makikita sa mga yamang likas na ito. Kaagapay ng wika ang pag-iingat sa kalikasan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagbabago sa kalikasan. Napahuhusay nito ang kakayahan at abilidad ng tao na umagapay sa kaunlaran ng bayan. Wika, nagbibigay pagpapahalaga sa tunay na kariktan ng mga bagay-bagay na makikita sa paligid. Ang wika ay parang pagmamahal, na kung minsan ay masarap at kung minsan nama’y masalimuot. Hayaan mong isipan mo ang gamitin sa pagpapalago ng wika, kaysa sa ang hayaan mo na wika ang pumailanlan sa iyo at magdikta. Mahalaga sa wika ang naiintindihan at madaling maunawaan. Sa paggamit ng wika, malaya nating naipapahiwatig at naipadadama ang tunay na ibig nating sabihin. Ang wika ang naghahango sa tao na makamtan ang tagumpay na hinahangad. Ito ay sumasalamin sa bawat diwa ng tao sa tuwing sya’y makikipag-usap. Pagkumparahin natin ang dalawa: ang Wika at Kalikasan. Sa wika ay sumasalamin sa tunay na nayayanig at silakbo ng damdamin. Dito napapatunayan ang pormulasyon ng dayalekto at salita. Sa bawat nasasambit, iba’t-ibang wika ang kanilang ginagamit. Mayroong Espanyol, Koreano, Tsino, Ingles, Latin, Griyego, Afrikano, Italiano, Niponggo, Britanya at kung anu-ano pa. Masasabi na sa bawat bansa na mayroong ganitong wika ay mapatutunayan ang pagpapahalaga sa kanilang wika dahil naipapakita ang tunay na diwa ng kanilang sangkap sa pakikipagkomunikasyon. Sa bawat wikang kanilang ginagamit, umuusbong ang lahi ng kanilang samahan dahil dito umiinog ang kanilang pinagmulan. Mula sa bayan ay nagkakaroon ng simpleng pamumuhay gamit ang kanilang wika sa pakikipagkomunikasyon at nagsisilibing tulay sa pag-unlad ng bayan. Sa bawat oras na dumarating at lumilipas, sa bawat pangyayari na nagaganap at sa bawat buhay na naiwawaglit, ang wika ay laging nandyan na nakaagapay kung tayo may madarapa at malulugmok sa karimlan. Kaparis nito ang kalikasan, ang kalikasan ang lakas ng sangkatauhan. Sapagkat dito tayo lahat kumukuha ng ating ikabubuhay sa pang araw-araw na pamumuhay. Bukas palad na isapuso at isaisip na ang pagtrato ng tama sa kalikasan ay magdudulot ng kaginhawaan sa sanlibutan. “Bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magagalit”. Sa mga pilit na inaalipusta ang pagtrato sa kalikasan at patuloy itong inaabuso, kaya’t ang ganti ni “Inang-Kalikasan” ay pagkamuhi at bagsik sa atin. Sinasalamin rito ang anyong likha ng Poong-Maykapal para paunlarin sa pagkilos ng pag-ikot ng buhay sa pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na pamumuhay. Bagkus, hindi lamang pangangalaga sa kalikasan ang dapat pakatandaan, kalikasan mang ituring ngunit pagmamahal ng tama sa kalikasan ang ituring dito. Kung minsan, mapupuna sa kasalukuyang panahon na walang pakialam kung ano na ba ang nangyayari sa lagay ng kalikasan at pag-usbong ng wika. Dito naipapahayag ang tinik at suliranin na napapaloob sa lipunang ginagalawan. Matapos pakinabangan at pagkuhaan ng ikabubuhay ang kalikasan, pilit ibinabalik naman ay pagkawalang saysay rito dahilan na rin sa pagiging makasarili sa buhay. Hindi alintana ang iba pang bagay na maaari pang maibahagi sa iba sa tunay na mga nangangailangan. Kung sa wika rin ang pag-uusapan sa lipunan, may mga pagkakataong sagana sa kaunlaran ng pamumuhay ngunit hindi wasto ang pagpapahalaga nila sa wika. Sa mga sitwasyong ito ay maihahalintulad sa mga taong iginagapang ang salita ng pabalang at pagbagsak na napapatungkol sa pagbatikos ng wika. Wikang kinagawian ngunit kinahihiya dahil mas nanaisin ang ganda ng ibang wika kaysa sa sariling pagkagawi. Ito ay maikukumpara sa walang moral na kaluluwa. Puso sa puso, ngipin sa ngipin, utak sa utak, mata sa mata.! Hayaang pagkrusin ang landas ng kalikasan sa pagsabay sa pag-angat ng wika. Bubungkalin ang napagpasyahang desisyon sa pangangalaga ng kalikasan. Tatawaging isang mabisang solusyon sa naghihikahos na Kalikasan. Pero paano nga ba maisasagawa ang mga ito? Sa mga desisyong napagpasyahan, mismo sa ating mga sarili magmumula ang pagbabago dahil sa simpleng pagtulong sa ating mga sarili ay napalalawig ang signos ng kapalaran sa buhay na magdadala sa payapang pamamaraan. Tulad sa wikang pinapaunlad at pinagbubuti, ito’y isa rin sa mahalagang sangkap na ating damhin at lamunin sa ating mga isipan. Kung ang wika nila ay iba sa iyo, bigyan mo ng pagpapahalaga at respeto ang kanilang wika tanda ng paggalang rin sa iyong wika. Unawain ang nasasambit sa kanilang uhaw na labi sa kinauukulan na dapat bigyang importansya at sagot sa pag-iintindi sa kung anong meron ang ibang wika nila sa ibang wika mo. Parang isang pipi na pinagkaitan ng pakikipagkomunikasyon sa iba, kung ano ang ginagawa nila at nasasambit, unawain at huwag bigyang malisya at pintas dahil iyon lamang ang tanda ng kanilang pagkakaunawaan. Ngunit sa mga salaysay na pagkakalahad dito, paano nga ba mapangangalagaan ng tunay at wagas na dapat ay kailangang pahalagahan ang wika at ang kalikasan? Mula noon hanggang ngayon, maituturing na isang buhay ang wika at kalikasan, dahil ito’y nilikha ng Poong-Maykapal gaya ng pagmamahal nya sa sanlibutan. Pagmasdan at pakapurihin. Wika at Kalikasan, sabay na pauunlarin? Di bat kaysarap pakinggan ang ganitong pagpapahiwatig sa atin dahil mismo ang dalawang ito ang pangunahing sangkap sa ating buhay. Kung walang wika, paano tayo magkakaunawaan at kung wala namang kalikasan, ano ang magsisilibing buhay natin sa pang araw-araw. Talaga namang magkahambing at pantay ang pagpapahalaga sa wika at kalikasan dahil nasusukat ang kaangkinang lakas sa masalimuot na kaganapan. Kaganapang maghahatid sa atin sa matiwasay na buhay. Nagbubunsod ng matibay na paniniwala na kayang pagsabayin na walang pag-iimbot at walang sagabal sa pagpapakahulugan ng tamang pangagalaga sa Wika at Kalikasan ng bansa tungo sa Wagas na pagmamahal saan mang panig ng isang wikang kaparis ng kalikasan.
  4. Guest20404995
    hahaha grabe ka taas.omg.............................................hehehehehehehehehhehehehehhhhehe
  5. Guest20382747
    kailangan natin pagyamanin ang sariling wika, kaysa pagaralan ang ibang salita
  6. Guest20369242
    wow may nagsagot pa ng pagkahabahaba haha adda talaga ilocano lolz XD
  7. ROJETTSARAZA
    nais kong mabatid na sanaysay ang aking inilantad sapagkat ito ang aking nilaban sa buwan ng wika namin........nais kong ibahagi ito sa iba para nang sa ganun ay makakuha ng impormasyon ang iba na hindi alam ang tungkol sa pangangalaga ng wika at kaliksan wagas na pagmamahal talagang kailangan....at ito nama'y napagtagumpayan ko sa buwan ng wika sa amin,,,salamat sa mga ng-comment at ng-agree d2,,,,maraming salamat........ako nga pla ulit si rojett saraza.......
  8. ROJETTSARAZA
    nais kong mabatid na sanaysay ang aking inilantad sapagkat ito ang aking nilaban sa buwan ng wika namin........nais kong ibahagi ito sa iba para nang sa ganun ay makakuha ng impormasyon ang iba na hindi alam ang tungkol sa pangangalaga ng wika at kaliksan wagas na pagmamahal talagang kailangan....at ito nama'y napagtagumpayan ko sa buwan ng wika sa amin,,,salamat sa mga ng-comment at ng-agree d2,,,,maraming salamat........ako nga pla ulit si rojett saraza.......
  9. Guest20348254
    Nais ko lang pong magpasalamat sa nagbahagi ng ano ba ito, sanaysay o ano man ang katawagan dito. Hindi ko na nabasa lahat sapagkat masyadong mahaba pero ako'y sumasang-ayon sa mensahe. :)
  10. Guest20348254
    Nais ko lang pong magpasalamat sa nagbahagi ng ano ba ito, sanaysay o ano man ang katawagan dito. Hindi ko na nabasa lahat sapagkat masyadong mahaba pero ako'y sumasang-ayon sa mensahe. :)
  11. ROJETTSARAZA
    ROJETT SARAZA IKATLONG GANTIMPALA BUWAN NG WIKA(AGOSTO 19,2010) LAGUNA COLLEGE OF BUSINESS AND ARTS CALAMBA CITY B.S. COMPUTER SCIENCE(i-cs1) “Sa pangangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan” Tunay na nababakas sa bawat silakbo ng ating isipan at damdamin, nababanaag ang munting pagsibol ng karunungan mula sa ibaba patungong paitaas. Na sa bawat yugtong dumaraan at lumilipas, unti-unting umiigting ang pagkakabuklod-buklod at pagkakaisa mula sa ating mga sarili’t isipan. “Wika ko, wika mo, wika nila, wika nating lahat”! Pagmasdan mo’t ating pagyamaning kusa. Kailanman wika’y maihahalintulad sa pangangalaga ng ating kalikasan. Sapagkat ang wikang buhay ay dinamiko, nahuhubog sa paglipas ng panahon para makaagapay sa pag-usbong ng kaunlaran. Ang wika rin kung mapapansin ay may sariling angkin at kakayahan sa pagpapaunlad nito. Halimbawa’y mabisa ang wika kung ito’y mapapaunlad sa pagsulong ng kaunlaran ng bayan, kultura, komunikasyon at iba pang larangan. Ngunit sa positibong pagpapakahulugang ito, marami pa rin ang nahihiwagaan at gustong maunawaan kung ano nga ba ang tunay na pagpapakahulugan sa “Wika” sa pangangalaga nito. Kung ang wika ay behikulo ng paghahatid ng damdamin sa kinauukulan, masasabing ito’y may pinagmulan noong unang panahon na kung saan ay hindi maipaliwanag ng mga dalubhasa sa pag-aaral ng wika o kung tawagin ay “Dalubwika”. Ito ay ang teorya ng mga Wika o pinagmulan nito. Sa “Teoryang Ding-dong”, lahat ng bagay sa paligid ay lumilikha ng sariling tunog nito; sa “Teoryang Yum-yum”, ang bawat kilos ng tao o anumang bagay na tumutugon sa kumpas o galaw ng kamay ng tao ay may kahulugan; sa Teoryang Pooh-pooh”, ang mga tao ay natutong magsalita dahil sa silakbo ng damdamin; sa “Teoryang Bow-wow”, ang tao naman ay nanggagaya sa tunog ng hayop at sa “Teoryang Yo-he-ho”, ang pagsasalita ng tao ay bunga ng puwersang pangkatawan. Patunay lamang na sa mga paliwanag na ito ay naipapakita ang kabihasnan ng wika. Batay na rin sa maraming pagpapaliwanag, hindi sapat ang ganitong kaliwanagan para mapatunayan na ang “Wika” ay may pagpapahalaga at pangangalaga. Napapaloob din sa Wikang Filipino ang mga antas nito kabilang ang “Balbal” kung saan, naipapakita ang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng pagsasalita ng impormal na usapin o mababang uri ng pagsasalita kung saan ay makikita sa mga lansangan o kanto. Ang “Lalawiganin” na kung saan, ang mga tao ay nagkakaintindihan ng kanilang pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng sariling pagkakaintindihan batay sa kanilang nakagawian o tumatak na sa kanilang kultura at tradisyon. “Kolokyalismo” ay tumutukoy naman sa mga usaping impormal o di-pangkaraniwan lamang na kalimitang matatagpuan sa usaping pambahay o simpleng kaibigan na kung tawagin ay “Kolokyalismong pangkaraniwan” at usaping pampaaralan naman o mapormal na paglalahad ng usapin ay tinatawag na “kolokyalismong may talino”. At ang “Pampanitikan” na sumasaklaw sa pinakamataas na uri ng antas na kalimitang nagagamitan sa usaping pormal na pagkakalahad tulad ng Tayutay,Sanaysay, Maikling kwento at marami pang iba. Tulad ng mga nabanggit na ito, masasabi ngang ito’y may pagpapahalaga sa ating wika kung maipapasok rin dito ang mga batas sa “Wikang Filipino”. Sa layunin ng batas na ito, ninanais ang pagkakaroon at pagpapalawig ng wikang ito nang dahil na rin sa mga batas na naitatag. Mayroong batas na nagsasaad na kailangang awitin ang Pambansang Awit na “Lupang Hinirang” sa salitang tagalog, kung saan ito’y pinagtibay noong mga panahon na tayo’y nasa kamay pa ng mga banyaga. Maisasama rin dito ang pagtuturo ng “Wikang Flipino” mula sa mataas at pampublikong pampaaralan. Ito ay napalawig rin nang itatag ang pagtutro sa Asignatura ng Filipino sa mga kolehiyo. Gayundin ang mga pagtatatag ng batas na nagsasaad na gagawin ng salitang “Filipino” ang mga gusali at pangalan ng mga kompanya na kung saan ay maipapakita ang pangalan ng isang Pilipino. At sa patuloy na pag-igting ng batas sa “Wikang Filipino”, maging ang mga sertipiko, sedula, katibayan at kaukulang papeles ay isasalin sa salitang Tagalog para nang sa ganun ay mapabilis ang pagkaunawa ng bawat mamamayang Pilipino. Sa paglaganap ng mga adhikain at layuning ito, pinangalagaan at pinangunahan pa rin ng ating “Ama ng Wikang Pambansa”, sa katauhan ni Manuel Luis Quezon ang sangkap sa pagpapaunlad ng wika. Una na rito ang pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” kung saan sakop ang kapanganakan ni Francisco “Balagtas” Baltazar mula Marso hanggang Abril at ito’y napalitan naman ng “Buwan ng Wika” sa buong buwan ng Agosto. Pinapatunayan dito ang saklaw sa pagkatuto at pagpapalawig ng kaalaman sa pagiging malikhain sa pagsulat ng Sanaysay, Maikling kwento, Tula, Talumpati at pakikipagtalastasan sa Balagtasan. Pangalawa ay ang paghalal nya sa mga kinatawan na mangangalaga ng batas ng wika sa bawat lalawiganin ng bansa kung saan ay napapaloob ang mga alituntunin at layunin sa pag-usbong sa pakikipagkomunikasyon. At ang pangatlo ay ang pagtatatag ng iisang Wikang Pambansa na “Wikang Filipino”. Ito ay para sa ikabibilis at ikauunlad ng pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa buong bansa at mapabilis ang pag-usad ng pagkakaintindihan sa mga lugar na malalayo at magkakaiba. Ayon na rin mismo kay Manuel Quezon, hindi kailangang maging isang sagabal ang ibang wika sa sariling wika. Nababakas rito ang pagtangkilik o pagpapanatili ng pagkahilig sa salitang banyaga kung saan ay kalimitang ginagamit ito sa pakikipagkomunikasyon sa bawat sulok ng Daigdig. Ito ay ang paggamit ng salitang “Ingles”. Popular na gamitin sa mabilis na pagkakaunawaan ng iba’t-ibang tao. Kung ating babalikan ang nakaraang panahong Amerikano sa ating bansa, sila ang nagtulak sa atin na magkaroon ng edukasyon para magkaroon ng sariling kakanyahan at karunungan. Sabi nga, “Ang Edukasyon ang susi sa kaunlaran ng bayan”. Sa kanila tayo natutong magsalita ng Ingles. Kaya naman ang bawat isa ay mabilis na nagkakaunawaan. Ngunit sa ganitong pagkakataon, alalahanin na sa bawat ikot ng buhay, ang sariling wika ay kailanma’y hindi dapat itakwil. Ika nga ng ating pambansang bayani na si Gat.Jose Rizal, “ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa hayop at malansang isda”. Patunay lamang ito na hindi dapat lapastanganin ang wikang nakagisnan. Maihahalintulad rin ito sa mga bayaning nagtanggol sa ating bayan at isa sa maipapahiwatig rito ay si Gat.Jose Rizal. Siya ay naghimagsik gamit ang pluma sa pagsulat o paglathala ng nobela na sumasaklaw sa maling pamamalakad at pag-aalipusta ng mga kastila sa mga Pilipino. Isa sa nagawa ni Gat.Jose Rizal ay “Noli Me Tangere” na kung sa tagalog ay “Huwag mo akong Salingin”. Kaya naman sa nagawang paglabag ni Gat.Jose Rizal laban sa mga kastila, sya ay nahatulan ng kamatayan at binaril sa Bagumbayan(Luneta Park). Makikita sa pagkakasalaysay ng buhay ni Gat.Jose Rizal ay ang lubusan niyang pagmamahal sa kanyang bayan na maikukumpara sa wikang pinangngalagaan. Sa paglipas ng mga henerasyon, nababago, napauunlad at nadaragdagan ang bokabularyo ng bawat wika. Sa bawat tao na nabubuhay at nagkakaroon ng puwang sa Daigdig, nagkakaroon ng ambag sa lipunan sa pagbabahagi ng bagong tuklas ng salita at dayalekto. Ibatay na lamang sa kasalukuyang panahon, kakaiba at mulat sa modernisasyon at makabagong teknolohiya, ibang-ibang sa mabilis na transportasyon at komunikasyon, lalung-lalo na sa mga kabataan, silaw sa mga bagay na nakalilibang at madalas kahiligan ang mga usong-usong kagamitan tulad ng “computer” na talamak sa paglalaro ng mga larong dota, “cellphone” na mailalarawan sa pagtetext nga mga salitang padaglat, pagpapaiksi, pagpapaganda ng salita, pagpapaarte, pagbibigay itsura sa salita na kung tawagin ay “jejemon”. Ito ang madalas na nasasambit ng mga kabataan sa ngayon sa kanilang pagpapahayag ng damdamin sa kapwa, kaibigan at kamag-anak. Ngunit sa pamamaraang ito, maituturing na “salot sa lipunan”, dahil kung mapapansin sa bawat salita, pantig, baybay at bigkas ng pangungusap, mali at taliwas sa tamang paggamit ng salita sa wika. Nagkakaroon tuloy ng pagka-mangmang sa gawaing ito dahil impormal na usapin sa pagpapahayag ng salita. Kaya’t tuloy nagkakaroon ng komplikadong pananaw sa pagsasalita dahil hindi lubos maintindihan ang tamang paggamit na humahantong sa maling pamamaraan. Kaalinsabay naman nito ang pag-usbong ng “jejebuster”. Dito naman napapaloob ang pagpuksa at pag-iwas sa gawain ng “jejemon” sa pagpapahayag ng tamang layunin sa wika. Nasasansala ang pamamaraan ng “jejemon” sa pagpapadagdag ng salita sa bokabularyo ng wika at hindi kailanman ito na maibibilang sa Antas ng Wika. Sa pagkakatuklas ng mga ito, dito nasusukat ang hangganan at katapusan ng modernisasyon na sa bandang huli ay may kaakibat na kagandahan at kapintasanan. Bagkus, marami pa ring mga Pilipino ang di nakapag-aral na kung kaya’t sila’y hindi nakasasabay sa daloy at silakbo ng pagbabago sa lipunan. Maihahalintulad rito ang mga Mangmang. Sila ang mga taong hindi nabigyan ng sapat na karunungan para sila’y pumaitaas at para umunlad. Ang nasasambit nila sa bawat kanilang salita ay bulol o kung minsan ay mali ang pagkakabigkas ng isang tamang salita. Humahantong sa panlalait ng mga nakatataas sa kanila. Sa lipunang ginagalawang ito, nagkakaroon ng mayaman o mahirap, mababa o mataas na antas sa buhay. Sa bansang Pilipinas, nagtataglay ng napakaraming wikain sa iba’t ibang rehiyon. Humigit pitong libong pulo ng bansa ay humigit kumulang naman na nasa isang daang dayalekto na ginagamit sa bawat lalawiganin sa Pilipinas. Dito nababatid ang sariling dayalekto ng bawat lalawiganin sa Pilipinas. Doon lamang kalimitan nagkakaroon ng sariling pagkakaunawaan ng dahil na rin sa nakagawiang salita. Napakahirap talagang unawain na sa bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang sinusunod. Hindi alintana ang pagbubungang ito sa mapurol na paglilinaw ng isipan. Ito ang dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon ng isang wikang pambansa na siyang magiging daan sa pagkakaisa. Kung sa tunay na pagpapahalaga sa wika, maraming ispekulasyon ang nababalot sa bansa. Nandyan ang mga Pilipinong hitik sa paggamit ng linggwaheng banyaga tulad ng Ingles. Sa simula’t simula pa lamang nang sila’y bata ay tinuruan ng magsalita ng ganitong klaseng wikain. Kaya naman, sariling kulay ay nalulusaw sa buhay ng wika. Dahil naipapakita rito ang hindi pagkagawi sa sariling wika ng ibang Pilipino na mas napag-tuunan ay ibang wika. Pagdating sa talakayang Filipino, mangmang sila dahil wala silang alam sa simulain ng wikang ito. Ito ang mabigat sa kalooban dahil sarili mong wika ay hindi mo maintindihan. Kung palalawigin ang isipan, mas magandang naisin na maging mangmang sa ibang wika kaysa sa sariling wikang nakagawian. Pagpapatunay lamang ito na sa bawat hakbang sa tatahaking landas, unahin muna ang sariling atin bago ang kanila. Habang ang wika ay umuunlad at nababago sa paglipas ng panahon, sumasakay naman dito ang kalagayan ng “Kalikasan”. Kalikasan na sa ngayo’y kailangang pagyamanin at alagaan ng buong puso’t isipan. Saklaw ang kalikasan sa Yamang-tubig, Yamang-lupa, Yamang-mineral, Yamang-kagubatan at Yamang-hayop sa kapaligiran. Tila isang ginto ang likas-yaman sa isang bansa dahil ito ang bumubuhay sa lahat ng pangangailangan ng lahat ng may buhay na nilalang sa daigdig. Dahil kung walang kalikasan, walang mapagkukunang-yaman na ikabubuhay ng bawat isa. Kitang-kita na sa kasalukuyang panahon na ang “Inang-Kalikasan” ay unti-unting naghihikahos sa pagsisira ng mga tao. Napapabayaan ng lubusan dahil sa mali na ring pamamaraan ng pagkinabang rito. Kaya naman nagkakaroon ng mga kalamidad. Tulad ng Bagyo na nagbubunga sa pagkasira ng mga kabuhayan, pagkaguho ng kabundukan, pagbaha, pagkakasakit at pagkasawi ng mga tao. Pagsabog ng mga Bulkan na nagdudulot rin ng pagkasira ng mga kabuhayan at nagdudulot ng sakit sa tao. Sobrang init ng Mundo na nagdudulot ng kakulangan sa tubig at mabilis dapuan ng mga dumi ang mga pagkain. Pagkakalbo ng Kabundukan na nagdudulot ng pagbaha sa mga lugar at pagkasira ng mga tirahan ng hayop at kawalan ng pagkukunang yaman at pagkain. Ilan lamang ito sa mga pinsala na idinulot sa kalikasan. Bigyan natin ng puwang ang kalikasan sa ating mga puso. Sa pag-aangkat at pagbebenta ng suplay ng bigas sa bawat bansa, nagkakaroon ng kita ang bawat negosyante na nagbibigay kabuhayan at ito’y maibebenta sa mga mamimili. Sa pagbebenta ng mga prutas at gulay na talaga namang kaakibat sa pagtulong sa ating pangangatawan. Sa pagmimina ng mga ginto’t pilak sa mga kabundukan na nagbibigay ng malaking kita at halaga sa mga namumuhunan. Ito ang mga pangunahing pinagkukunang-yaman sa ating bansa mula sa kalikasan. Pansinin na rin ang nakasusulasok ng mga ilog na nagdudulot ng sakit kapag naamoy ang mabahong basurang lumulutang rito. Sa ganitong sitwasyon, binibigyang-diin at lunas ang mga ahensyang responsable rito para bigyang linis sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa tungo sa paglilinis ng mga kanal, ilog, lawa, sapa at kung anu-ano pang anyong tubig. Ang pag-iwas din at di pang-aabuso sa paghuhuli ng mga isda at huhulihin lamang ang mga isda sa tama at anyo nito. Pagtigil rin sa pagsisira ng mga tirahan ng isda tulad ng “coral reefs” para ipagbenta at magkaroon ng kita. Ngunit sa ilan lamang nitong pangangalaga sa kalikasan, mayroon pa ring lumalabag sa mga batas ng kalikasan. Sa mga taong nagpuputol ng puno, matapos anihin ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ay nakakaligtaan ng palitan o taniman ng higit sa tatlo ang katumbas ng isang pagputol ng puno. Kaya dapat ay binibigyan ito ng karampatang parusa para maiwasan ito. Sa mga taong lapastangan na pinapatay ang mga hayop na walang kamuwang-muwang na ginagawang alternatibong kagamitan o kasangkapan, dapat na mabigyan rin ng parusa para masugpo ang ganitong mga katiwalian. Lubusan rin naman sa pagpapatayo ng mga gusali at subdibisyon sa mga lugar na kagubatan at humahantong sa pagkawala ng magagandang tanawin ng puno’t halaman. Nabibigyan ng importansya ang pagpapalaganap ng lakas ng teknolohiya na kung minsan ay nagdudulot ng masama dahilan sa maling pamamaraan ng gawaing ito. Kailangang ito’y maibsan sa tulong natin kung tayo’y magkakapit-bisig. Sa simpleng pagtulong, halimbawa, tayo’y magtatapon ng basura, agad nating pakaisipan ang paghihiwalay nito mula sa nabubulok, di-nabubulok, muling nagagamit at plastik na basura. O di-kaya’y sa pagtatapon ng balat ng “candy”, kung walang mapagtapunan ng basura, maaaring ilagay muna sa bulsa o kung may malalagyan at tsaka ito’y itapon kapag mayroon ng mapagtatapunan. Sa mga simpleng pamamaraang ito, malaki ang maiaambag nito sa kalikasan. Sa mga “watershed” na tumutulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng tubig sa mga “dam” at ito’y maisusuplay sa mga kumokonsumo. Mas mainam ring panatilin na maraming puno ang isang lugar para sila’y magsisilbing sisipsip ng mga tubig kapag may baha sa kanayunan at magkaroon ng sariwang hangin sa ating mga katawan. Ang likas ay yaman at ang yaman ay likas. Sabi nga, “Tao ang sumira sa kalikasan, tao rin ang tutulong at muling magbabalik sa dating sigla at ganda ng kalikasan. Kung ang pag-ibig ay pagmamahal, gayundin sa kalikasan na dapat mahalin at pagyamaning kusa. Dahil ito lamang ang tanging sangkap sa pag-usbong ng ating ikabubuhay. Tunay nga na mahiwaga ang kalikasan sa pagpapaunlad ng wika, dahil sa pagdaan ng panahon mas lalo pang napapatunayan na ang wika ay may marami pang nananatiling lihim ayon sa pagkakagamit nito sa isang patalastasan o sa usapan man. Noong hindi pa nasasakop ang Pilipinas, may sarili na itong wikang ginagamit, mga wikang katutubo na lumaganap sa buong kapuluan ng Pilipinas at naging isang maunlad na bayan dahil na rin sa tulong ng mga wika na napagsasalinsalin sa iba’t-ibang paraan ng pananalita o gamit nito sa mga paksang pinag-uusapan. Ang wika ang buhay ng bawat tao. Kung hindi dahil sa wika, ang mga tao ay walang pagkakaisa at pagkakaunawaan. Sa pamamagitan ng wika mas malaya nating naipaparating sa ibang tao ang naisasaloob natin at kung ano ang nais nating ipaalam. Ang wika ay sangkap sa kapayapaan, dahil ito ang nagtataguyod sa ating pagkamakalikasan at pananalig na magkaroon ng katahimikan sa lugar na ating ginagalawan. Dahil sa karunungan na taglay ng tao ay unti-unti niyang natutuklasan ang mga makabagong pamamaraan sa paggamit ng wika. Mula sa maliit na detalye ng paggamit ng wika ay nagkaroon ng pagpapalawak ng gamit nito, dahil sa patuloy na pagtutuklas ng mga tao kung paano, sa anong pamamaraan at kailan ginagamit ang wika. Batay sa mga pag-aaral, ang wika ang pangunahing kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaunlaran at karunungan. Mahalaga ang wika sa bawat isa sa atin. Dito nahuhubog ang tunay na kakayahan ng isang tao. Sa malao’t madali, ang wika ang tanging yaman na dapat ingatan at pagyabungin pa sa paglipas ng panahon. Sa wika makikita ang kagandahan at kariktan ng isang bagay. Maaaring maging daan ang wika sa maayos at magandang pakikipagkomunikasyon sa iba’t-ibang panig ng Daigdig. Ito ang nagbibigay karangalan sa isang tao na may pagpapahalaga sa wika, damdamin ng ibang tao at kakayahang makibagay sa ibang mga tao sa napapaligid sa atin. Kapakinabangan ang wika lalo na dito sa ating bansa. Nakikilala sa pagkakaroon ng maraming katutubong wika. Dahil dito, nagkakaroon din ng sariling wikang pambansa ang Pilipinas, dahil kung hindi mangyayari iyon, hindi magkakaintindihan ang mga taong naninirahan sa isang lugar. Mahalagang mabigyan ng pansin ang Wika. Dahil kung ito’y hindi mapapag-aralang mabuti, papaano na ang bansang Pilipinas na ating ipinagmamalaki sa buong Daigdig? Matatawag pa kaya itong tunay na likha ng Poong-Maykapal, na kung saan lahat ng mga magagandang tanawin ay sadyang iniukit para sa katanyagan ng Pilipinas. Ang kalikasan ay maihahalintulad sa wika. Kung hindi iingatan at hindi papayabungin ay masisira at mawawalang saysay. Hindi ito maaaring mapakinabangan ng maraming tao kung ito’y pinapabayaan at isinasawalang-bahala. Mahalagang pagkaingatan ang kalikasan, dahil ito ang nagsisilbing tanglaw natin sa ating magiging kinabukasan o hinaharap sa buhay. Kung magiging realidad ng ating buhay ay wasak, walang pakialam sa damdamin ng ibang tao at walang pakundangang pagkasira ng ating kalikasan. Ang yaman ng isang bansa ay makikita sa mga yamang likas na ito. Kaagapay ng wika ang pag-iingat sa kalikasan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagbabago sa kalikasan. Napahuhusay nito ang kakayahan at abilidad ng tao na umagapay sa kaunlaran ng bayan. Wika, nagbibigay pagpapahalaga sa tunay na kariktan ng mga bagay-bagay na makikita sa paligid. Ang wika ay parang pagmamahal, na kung minsan ay masarap at kung minsan nama’y masalimuot. Hayaan mong isipan mo ang gamitin sa pagpapalago ng wika, kaysa sa ang hayaan mo na wika ang pumailanlan sa iyo at magdikta. Mahalaga sa wika ang naiintindihan at madaling maunawaan. Sa paggamit ng wika, malaya nating naipapahiwatig at naipadadama ang tunay na ibig nating sabihin. Ang wika ang naghahango sa tao na makamtan ang tagumpay na hinahangad. Ito ay sumasalamin sa bawat diwa ng tao sa tuwing sya’y makikipag-usap. Pagkumparahin natin ang dalawa: ang Wika at Kalikasan. Sa wika ay sumasalamin sa tunay na nayayanig at silakbo ng damdamin. Dito napapatunayan ang pormulasyon ng dayalekto at salita. Sa bawat nasasambit, iba’t-ibang wika ang kanilang ginagamit. Mayroong Espanyol, Koreano, Tsino, Ingles, Latin, Griyego, Afrikano, Italiano, Niponggo, Britanya at kung anu-ano pa. Masasabi na sa bawat bansa na mayroong ganitong wika ay mapatutunayan ang pagpapahalaga sa kanilang wika dahil naipapakita ang tunay na diwa ng kanilang sangkap sa pakikipagkomunikasyon. Sa bawat wikang kanilang ginagamit, umuusbong ang lahi ng kanilang samahan dahil dito umiinog ang kanilang pinagmulan. Mula sa bayan ay nagkakaroon ng simpleng pamumuhay gamit ang kanilang wika sa pakikipagkomunikasyon at nagsisilibing tulay sa pag-unlad ng bayan. Sa bawat oras na dumarating at lumilipas, sa bawat pangyayari na nagaganap at sa bawat buhay na naiwawaglit, ang wika ay laging nandyan na nakaagapay kung tayo may madarapa at malulugmok sa karimlan. Kaparis nito ang kalikasan, ang kalikasan ang lakas ng sangkatauhan. Sapagkat dito tayo lahat kumukuha ng ating ikabubuhay sa pang araw-araw na pamumuhay. Bukas palad na isapuso at isaisip na ang pagtrato ng tama sa kalikasan ay magdudulot ng kaginhawaan sa sanlibutan. “Bato-bato sa langit, tamaan ay huwag magagalit”. Sa mga pilit na inaalipusta ang pagtrato sa kalikasan at patuloy itong inaabuso, kaya’t ang ganti ni “Inang-Kalikasan” ay pagkamuhi at bagsik sa atin. Sinasalamin rito ang anyong likha ng Poong-Maykapal para paunlarin sa pagkilos ng pag-ikot ng buhay sa pakikipagsapalaran tungo sa maunlad na pamumuhay. Bagkus, hindi lamang pangangalaga sa kalikasan ang dapat pakatandaan, kalikasan mang ituring ngunit pagmamahal ng tama sa kalikasan ang ituring dito. Kung minsan, mapupuna sa kasalukuyang panahon na walang pakialam kung ano na ba ang nangyayari sa lagay ng kalikasan at pag-usbong ng wika. Dito naipapahayag ang tinik at suliranin na napapaloob sa lipunang ginagalawan. Matapos pakinabangan at pagkuhaan ng ikabubuhay ang kalikasan, pilit ibinabalik naman ay pagkawalang saysay rito dahilan na rin sa pagiging makasarili sa buhay. Hindi alintana ang iba pang bagay na maaari pang maibahagi sa iba sa tunay na mga nangangailangan. Kung sa wika rin ang pag-uusapan sa lipunan, may mga pagkakataong sagana sa kaunlaran ng pamumuhay ngunit hindi wasto ang pagpapahalaga nila sa wika. Sa mga sitwasyong ito ay maihahalintulad sa mga taong iginagapang ang salita ng pabalang at pagbagsak na napapatungkol sa pagbatikos ng wika. Wikang kinagawian ngunit kinahihiya dahil mas nanaisin ang ganda ng ibang wika kaysa sa sariling pagkagawi. Ito ay maikukumpara sa walang moral na kaluluwa. Puso sa puso, ngipin sa ngipin, utak sa utak, mata sa mata.! Hayaang pagkrusin ang landas ng kalikasan sa pagsabay sa pag-angat ng wika. Bubungkalin ang napagpasyahang desisyon sa pangangalaga ng kalikasan. Tatawaging isang mabisang solusyon sa naghihikahos na Kalikasan. Pero paano nga ba maisasagawa ang mga ito? Sa mga desisyong napagpasyahan, mismo sa ating mga sarili magmumula ang pagbabago dahil sa simpleng pagtulong sa ating mga sarili ay napalalawig ang signos ng kapalaran sa buhay na magdadala sa payapang pamamaraan. Tulad sa wikang pinapaunlad at pinagbubuti, ito’y isa rin sa mahalagang sangkap na ating damhin at lamunin sa ating mga isipan. Kung ang wika nila ay iba sa iyo, bigyan mo ng pagpapahalaga at respeto ang kanilang wika tanda ng paggalang rin sa iyong wika. Unawain ang nasasambit sa kanilang uhaw na labi sa kinauukulan na dapat bigyang importansya at sagot sa pag-iintindi sa kung anong meron ang ibang wika nila sa ibang wika mo. Parang isang pipi na pinagkaitan ng pakikipagkomunikasyon sa iba, kung ano ang ginagawa nila at nasasambit, unawain at huwag bigyang malisya at pintas dahil iyon lamang ang tanda ng kanilang pagkakaunawaan. Ngunit sa mga salaysay na pagkakalahad dito, paano nga ba mapangangalagaan ng tunay at wagas na dapat ay kailangang pahalagahan ang wika at ang kalikasan? Mula noon hanggang ngayon, maituturing na isang buhay ang wika at kalikasan, dahil ito’y nilikha ng Poong-Maykapal gaya ng pagmamahal nya sa sanlibutan. Pagmasdan at pakapurihin. Wika at Kalikasan, sabay na pauunlarin? Di bat kaysarap pakinggan ang ganitong pagpapahiwatig sa atin dahil mismo ang dalawang ito ang pangunahing sangkap sa ating buhay. Kung walang wika, paano tayo magkakaunawaan at kung wala namang kalikasan, ano ang magsisilibing buhay natin sa pang araw-araw. Talaga namang magkahambing at pantay ang pagpapahalaga sa wika at kalikasan dahil nasusukat ang kaangkinang lakas sa masalimuot na kaganapan. Kaganapang maghahatid sa atin sa matiwasay na buhay. Nagbubunsod ng matibay na paniniwala na kayang pagsabayin na walang pag-iimbot at walang sagabal sa pagpapakahulugan ng tamang pangagalaga sa Wika at Kalikasan ng bansa tungo sa Wagas na pagmamahal saan mang panig ng isang wikang kaparis ng kalikasan.
  12. Guest20333060
    dapat nating mahalin ang ating sariliung wika at kalikasan dahil tayo ay mga pilipino.Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr.Jose P. Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa malansang isda"
  13. Guest20307362
    Tamang tama ito upang pumukaw sa ating isapan na dahil sa isang salita na winika ng Diyos nagkaroon ng lupa, hayop, at pagkain. Sana pagmamahal din ang iganti natin upang masagip ang inang kalikasan. Di pa huli lahat. Sulong Pilipino, ating pangalagaan ang Wika at Kalikasan.
  14. Guest20306112
    wala akong masav..... basta mahalaga 'to un ang alam ko.... dapat hindi pabayaan at babuyin ang ating kalikasan.... ito kasi ang sumasalamin sa ating wika....
  15. Guest20292278
    mhlagang medium ang wika pra maipahayag ang saloobin ng tao at sa kasalukuyang panahon na ating kinahaharap mpapansin natin na ang ating kapaligiran ay punong puno na ng pang abuso mula rin sa tao ilang pagkilos pra ito ay maisalba nrrapat na maimulat ang mat ng bawat tao sa kanilang gnagawa at paano ito maisasakatuparan ito ay sa pamamagitan ng pagpapahayag na tlagang maiintindihan ka at ito ang wika
  16. Guest20287632
    sa paglipas ng maraming panahon ang wika'y naroon.sa kasalukuyan marami ng bagbabago ang naganap at kasabay na ang ating wika at kalikasan.masasabing sira na ang ating kalikasan,ngunit hindi pa huli ang lahat.mahalin natin ang kaloob ng poong may kapal sa atin dahil ito ang nasisilbing buhay natin.atin itong tanawin,'''ang wika at kalikasan...ito'y ating ingatan,pangalagaan,mahalin at payabungin.kung maunlad ang ating wika maunlad din ating bansa,ito'y maghahatid sa atin tungo sa kaunlaran.
  17. Guest20281262
    pangangalaga sa kalikasan ay isang malaking karangalan
  18. Guest20262166
    ito ay isang magandang halimbawa sa buwean ng wika ang kalikasan ay mahalaga sa atin dahil ang mga puno ay nakakatulong sa atin sa pag bibigay nila ng oxygen nakakahinga tayo at pwedi tayong makakakuha ng pagkain.
  19. Guest20245975
    hahaha ilocano nk met ano ang magandang poster sloga bout this???
  20. Guest20222397
    hahhaha adda pay gayam ilocano ditoy,, hehe in tagalog may ilocano pala dito ^^ hmmm help naman ohhh sa temang yan good slogan,,,
  21. Guest20218943
    ang pangangalaga sa wika at kalikasan wagas na pagmamahal talagang kailangan para din lang sa ating kabutihan,para sa ating bayan thanks....................................................................... ang tema o paksa ng buwan ng wika ay "Sa Pangangalaga ng Wika at Kalikasan,Wagas na Pagmamahal Talagang Kailangan" thanks.......................................................................
  22. Guest20207692
    wika at kalikasan ang ating buhay, mahalin nati nang walang pag-aalinlangan......
  23. Guest20201566
    paano natin mapapangalagaan ang ating sariling wika at kalikasan na halos sira na nga ang ating mga kapaligiran wala nang puno , halaman , at iba pa . ? at ang wika naman ay mga halos bad words na ang kanilang sinasabi tulad nang f**k you , s**t , at ano [pa .. ? pakisagot nga nang tanong ko ..
  24. Guest20199572
    WIKA, SOLUSYON SA MAGANDANG KALIKASAN
  25. Guest20194530
    Ang tema sa pangangalaga sa wika at kalikasan wagas na pagmamahal talagang kailangan
  26. Guest20176305
    katulad nang pamamahal ko sa sarili ay ang ibinibigay ko ring pag mamahal sa ating sariling wika at sa kalikasan
  27. Guest20176308
    mga larawan para s temang ito.pangangalaga sa wika at kalikasan wagas n pagmamahal talagang kailangan
  28. Guest20172941
    Sa Pangalaga ng Wika at Kalikasan, Wagas pagmamahal talag kailangan
  29. Guest20164956
    tema namin yan sa filipino
  30. Guest20145788
    nagrigat met jak py ammu
  31. Guest20139898
    sbmmw
  32. Guest20132003
    sa pangangalaga sa wika at kalikasan wagas na pagmamahal talagang kailangan
  33. Guest20113235
    ano ang tema matin sa buwan ng wika?

Question Stats

Latest activity: 4 years, 2 month(s) ago.
This question has been viewed 11075 times and has 33 answers.

9 People are following this question

Hugmygirljulietmagsayojuncabalirjm135floritzdayagancharter009jane5llanderalluisapc10yanfei56

BECOME A GUIDE

Share your knowledge and help people by answering questions.
Unanswered Questions